“Ako po ay si Padre Hiteroza na nagpupugay sa Diyos at sa inyo. Nawa’y tangkilikin at nawa’y patuluyin sa puso niyo.” 

Tanging bukambibig ko’y EXCELSIOR!

S’aking installation sa DSPNSDA

Onward and upward! That’s for sure

Lalo pa’t ako ngayo’y kura ng parokya.

Pagmamabutihin ko tungkuling

Iniatang sa aking balikat

Ng aming obispong butihing

Sampu ng mga pagsubok at kaakibat.

Ako po ay si Padre Hiteroza

Na nagpupugay sa Diyos at sa inyo-

Nawa’y tangkilikin at nawa

Ay patuluyin sa puso niyo.

Isasangguni ko sa mga

Kinau-ukulan ang samu’t saring

Isyu at suliraning iba-iba

Sa obstacle course kong tatahakin.

‘Wag sana maging tulad ni Belshazzar

Ng Antigong Babilonya

Ang napipinto kong galaw at andar

Ay marapat at akma.

‘Wag sana mabasa sa dingding

NEME, NEME, TEKEL, UPHARSIN

Habang namamayagpag ang piging

Na binigyan ng masaklap na salin

Ng propetang si Daniel

Bisperas ng wakas ng Babel.

Datapwat malayo-layong halimbawa

Tama lamang na tayo’y umasa sa awa

Ng Panginoon na lahat ay

Kayang bawiin ang ibinigay.

Marami pong Salamat

Sa Diyos na may akda ng buhay at pagmamahal

Na bagamat di ako karapat-dapat

Ay napiling maglingkod sa parokyang minamahal

Sa ating mahal na Obispo

Francisco De Leon ng Antipolo

Taos-pusong pasasalamat

Sa pag-instala sa akin sa San Mateo.

Sa aking mga kapatid na pari

Magkakahalong damdamin sa aki’y naghahari

For the first time in my installation story

Suporta ninyo’y di maitatanggi.

Yaman din lamang na ako

Pinagkakatiwalaan na mangasiwa

Ay naitalang kura paroko

Ng Nuestra Señora de Aranzazu,

ay minabuti kong pagyamanin

sa abot ng aking kakayahan

ang mission/vision at alituntunin

ng parokyang kasalukuyan.

Puspusin sana ng awa

Ang aba kong pagsisikap-

Na gampanan sa tuwina

Tungkulin at gawain ganap.

Nang sa gayon ay tumugma

Ang aking pagka-instala

Sa kaakibat na doktrina at dogma

Para sa katolikong madla.

 

ADLIB.

Maraming Salamat din po sa mga dumalo:

  • Government officials – Mayor Tina Diaz ng San Mateo, Rizal sampu ng Sangguniang Bayan
  • Mayor Mando San Juan ng Morong, Rizal
  • Sa mga nagsakripisyo…
  • Sa lahat ng mga nagsiganap sa liturhiya
  • Sa Pastoral Council at lahat ng Church Workers
  • Sa Parishioners ng Christ the King Parish; Muzon, Taytay, Rizal; Holy Family Parish, Parang, Marikina City; St. Jerome Parish, Morong, Rizal; Nativity of Our Lady Parish, 1VC, Marikina City; at sa kasalukuyang Parokya Nuestra Señora de Aranzazu.

 

Ako’y tuwang-tuwa makita muli

Mga dating “suki” na nananatili

Sa puso’t alaala ng bawat isa

Di pa rin nagsasawang makiisa.

Ang ordinaryong naglilipat-bahay

Suwerte na kung may kapit-bahay

Na sa paglipat niya’y umaalalay.

Samantalang ako, isang hamak na pari,

Ina-alalayan ng ganito ka dami!

Salamat, maraming salalamat sa inyo

Ng mga dating kapit-bahay, kapit-buhay ko.

Hindi ko na pahahabain pa

Pasasalamat sa bawat isa

Sa mga nandito at dumalo

At ngayo’y aking makakasalo.

 

Social Media Comments