Kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-14 na taong anibersaryo ng pagiging Pang-diyosesis na dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu, nais naming ibahagi ang natatanging kasaysayan ng ating Parokya at Dambana sa panulat at pagsasaliksik ni Michael P. Delos Reyes at isinalin sa wikang Tagalog ni Christian Robles:

“San Mateo”, ang tanging bayan sa Lalawigan ng Rizal na ipinangalan sa isang Santo, itinatag ng mga paring Agustino noong 1596, kung saan ang mga prayle ay nagkaroon ng isang matagumpay na industriya ng pagawaan ng “Tisa” (brick). Inilarawan ni Fray Gaspar de San Agustin, O.S.A., ang bayan ng San Mateo sa kanyang akda na Conquistas de las Islas Filipinas 1565-1615 (1698) na ang bayang San Mateo ay karugtong ng Pasig, dagdag pa niya, “Ito ay isang mahirap na ministeryo at mas nararapat lamang  sa mga kabataan, at magagaling na ministro dahil sa hirap ng paglalakbay sa pamamagitan ng pagsakay sa likod ng kabayo, Kailangan din na maakit ang mga katutubo upang pangasiwaan ang sakramento, sapagkat ang mga naninirahan dito ay nabibilang sa mga angkan ng paganong mula sa bundok.

The pre-war retablo of Nuestra Senora de Aranzazu. (PHOTO: Historic San Mateo)

Bagamat sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng pakikisalamuha, malinis ang hangin sa lugar sapagkat ito ay nagmumula kabundukan. Ang kalye ay napaka ganda at kaaya-aya, sapagkat maraming mga Bahay at Plantasyon ng Tobacco, na binubuo ng mga residenteng Sangleys at mestizos dahil ang daigdig ay pinakamayaman sa ganitong uri ng planta.” Ang Ilog sa bayang ito ay ikalawa sa pinaka mapaminsalang ilog tuwing panahon ng tag-ulan, Ito ay sanhi ng patuloy na pag-apaw ng isang malaking look sa gitna ng Isla ng Maynila. (see Luis Antonio Mañeru, trans.., Conquest of the Philippine Islands 1565-1615 [Manila, 1998], pp. 75, 607, 973, 975)

The post-war Aranzazu church and convent. (PHOTO: Historic San Mateo)

Taong 1603, Ang bayan ng San Mateo ay inilipat sa ilalim ng pamumuno ng mga Heswita, subalit di nagtagal ay nadawit sa kontrobersyang Hurisdiksyunal, kung saan  naapektuhan ang Cainta at Jesus Dela Peña. Ito ay muling naibalik sa mga Agustino noong Agosto 29, 1659 at naitaas bilang isang parokya sa nasabing petsa. Muli itong inilipat sa pamumuno ng mga Heswita noong Disyembre 6, 1686. Sa tala ni Padre Pedro Murillo Velarde, S.J. sa kanyang akdang Historia de la Provincia de Philipinas de la Compania de Jesus (1749), “Taong 1696,  Hindi lamang isinuko ng mga kagalang-galang na paring Agustino ang mga ito [Cainta at Jesus de la Peña] na kakikitaan ng kagandahang asal at pag-galang, bagkus bilang tanda ng pagmamahal at pakikipag kapwa, Isang palitan ang naganap sa Ministeryo ng San Matheo (na malapit sa Mariquina), Ipinagkatiwala ito sa amin ng mga Kapariang Agustino kahalili ang Binangonan (na tinatawag na ”de los Perros” [i.e., “of the dogs”]), sa lawa ng Baybayin na kabilang sa mga Heswita.” (see Emma H. Balir and James A. Robertson, ed., The Philippine Islands, 1493-1803, [Cleveland, 1905-1909]: vol. 44, p.05).

Siya rin niyang isinulat na malugod na tinanggap ng mga Heswita ang San Matheo “Upang dalhin sa mga katutubong Ita na nasa mga bundok ng rehiyon na iyon, Upang mamuhay bilang isang Kristiyano sa nayon na iyon; para sa, mga Kristiyano at mga pagano na hinaluan sa mga gubat at maliliit na nayon, mayroong maliit na pagkakaiba sa pagitan ng mga ito sa kanilang batas” (Ibid. p.114)

Isa sa mga magandang pamana ng mga Heswita sa San Mateo ay ang Debosyon sa Mahal na Birhen ng Aranzazu. Isinalaysay ni Pdre. Murillo Velarde sa kanyang akdang Historia:

Aranzazu estampita (PHOTO: Cofradia de Nuestra Senora de Aranzazu)

“Taong 1705, nang Pinangunahan ni Pdre. Juan Echazabal ang pagpapalaganap ng debosyon sa Birhen ng Aranzazu sa nayon ng San Matheo. At ang mga deboto at nagpupuri Sa Birhen ay patuloy na dumarami at nadaragdagan, sa tulong ng panghihikayat ng mga Vizcayano, lalo na si Don Juan Antonio Cortes. Ito ang siyang nagbunsod sa ministro na magpatayo ng isang batong simbahan, Upang makapag bigay ng mas angkop na tahanan para sa Banal na Sakramento at sa pinaka dakilang Reyna. Sa pamamagitan ng pagsisikap at lakas ng mga kaparian at sa kontribusyon ng mga mananampalataya, isang maganda, matibay, at malaking simbahan ang nayari, Isang hugis krus na simbahan na may ginintuang dekorasyon sa altar mayor. Ang bagong simbahan ay pormal na inialay sa karangalan ng Birhen ng Aranzazu noong taong 1716, Ang ministro ay si Pdre. Pedro Confalonier. Nagkaroon ng isang napalaking kalipunan ng mga tao, at ang mga deboto ngMahal na Birhen ng Aranzazu ay nagpakita ng pambihirang kasiyahan at debosyon sa pagdiriwang ng kanyang kapistahan; At malaki ang kasiyahang nadama ng mga taong tumulong upang maipatayo ang mamahaling gusaling simbahan, na napapalamutianng mamahaling kagamitang yari sa pilak- lalo na ang tanyag na tagapagpala ng simbahang yaon at nayon, Heneral Don Juan Antonio Cortes, at ang mga Heswita, Sa kaligayahang ito’y ialay sa kaluwalhatian ng Diyos at sa karangalan ng kanyang Mahal na Ina ang bagongsimbahang ito nakalimutan ang dakilang kalungkutan na kanilang tiniis sa oras na iyon mula sa iba’t ibang mapanirang-puri libelo, kung saan ang mga paulit-ulit na masasamang mga hangarin ay nagkaroon ng maraming beses na paghatol, at mula noon ay nahatulan na bilang paninirang-puri ang naguna sa pagpukol ng mga paninirang puri ang siya ring naging berdugo upang mabigayang daan para ang mga pinupukol niyang katapangan laban sa Lipunan ay sa halip ay maging korona ng pagtatagumpay.”

Sa sandaling pagpigil sa mga Heswita noong 1768, kung saan naapektuhan ang Pilipinas, inilipat sa mga Sekular ang pamamahala sa San Mateo. Kalaunan, ito naman ay ipinasa sa mga Rekoletos, at ibinalik muli sa mga Sekular.  Ang Parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu ay itinaas sa antas ng pagiging isang Pang-Diyosesis na Dambana (o Diocesan Shrine) noong ika-17 ng Hulyo 2004. Hanggang ngayon, Ito pa rin ang tanging simbahan na ipinangalan sa karangalan ng Birhen ng Aranzazu sa buong Pilipinas, at isa sa dalawang Dambana sa nasabing Titulo ng Mahal na Birhen. Isa dito ay ang Pribadong Kapilya ng Colegio de San Juan de Letran sa Intramuros, Manila.

Ang debosyon sa Birhen ng Aranzazu ay 546-taon na ang tanda na mula sa Espanya, at itinampok sa Bayan ng San Mateo higit 300-taon na ang nakakalipas. Nawa’y ang masidhing debosyon na ito sa Birhen ng Aranzazu ay umakay sa mga taga-San Mateo at sa lahat ng kanyang deboto sa isang mas malapit na pakiki isa kay Hesukristo, na kanyang anak, sa pag gawa ng lahat ng bagay para sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos.

 

Christian Jasper Robles

Christian Jasper Robles

Senior Writer, Website Team - Media Ministry

Christian is a graduate of Bachelor of Arts in Communication at Colegio de San Juan de Letran. He is a member of the writer’s team of Aranzazu Media and Public Information Ministry. A singer, performer, writer, church servant, and a Marian devotee. Currently, he is the secretary of Association of Our Lady of Aranzazu- Cofradia and member of Avant-Garde Singers. Passionate about writing different local religious traditions and Mariology matters; Christian is strongly dedicated in promoting and propagating the devotion to Our Lady of Aranzazu.

Social Media Comments