Are you that person who have become part of the tradition of attending the Misa de Gallo from 16th up to the 24th Day of December? Do you actually believe that a wish will be granted upon completing these 9 masses? We may call it some sort of “sacrifice” waking up early in the morning, but it is worth it after all. Here is a short story of two people to whom many can surely relate, yet we can also be inspired of.
December 16, 2018
Amy: Perry! Perry gising na! (niyuyugyog ang kaibigang si Perry)
Perry: (umuungot dahil antok na antok pa) uhhhh ano ba ayoko pang bumangon, inaantok pa ako.
Amy: (tuloy pa rin sa pagyugyog) Hindi pwede gumising ka na ano ba, Perry, gumising ka na!
Perry: Ayoko pa nga eh ano ba naman natutulog pa nga ako!
Amy: Sige na gising na sabi eh! Perry, gumising ka na!
(nayayamot na bumangong nakaupo si Perry na pupungas-pungas pa)
Perry: Haayyy bakit ba, Amy??! Sinabi nang natutulog pa ako eh bakit ka ba nanggigising ha? Alam mo ba kung anong oras pa lang??
Amy: Alas dos na ng madaling araw, Perry. Bumangon ka na nga jan.
Perry: Alas dos?! Niloloko mo ba ako? Bakit mo naman ako gigisingin ng ganito kaaga ha?!
Amy: Ngayon ang unang araw ng simbang gabi, Perry. Kaya kung ako sayo bumangon ka na jan at maggayak ka na. Ang bagal mo pa naman kumilos daig mo pa ang babae eh.
Perry: Ano?! At sino namang may sabi sayong magsisimba ako? Mag isa ka! (sabay higa at talukbong ng kumot)
Amy: Tingnan mo tong taong ‘to. ‘Pag ako bumalik dito at nandyan ka pa lagot ka talaga sa’kin!
(Nang lumabas si Amy sa kwarto ay inalis na ni Perry ang talukbong sa kanyang mukha.)
Perry: “Pag ako bumalik dito at nanjan ka pa lagot ka talaga sakin!” Akala mo naman talaga! Nako, pasalamat siya mahal ko siya. (sabay naiinis pang tumayo sa kama)
(Makalipas ang ilang minuto…)
Amy: Oh ready ka na pala eh!
Perry: Tara na nga bilisan mo! At nang makauwi rin inaantok pa ako istorbo ka eh.
Amy: Tss oo na! Sungit.
(Sa simbahan, habang naghohomily ang pari.)
Amy: (Dahan-dahang sinisiko si Perry at pabulong na nagsasalita) Uy Perry! Gumising ka nga!
Biglang napaangat ng ulo si Perry na nakayuko na’t natutulog at di sinasadyang napalakas ang boses.
Perry: Opo Father! Amen!
Nagtinginan ang mga tao kay Perry pati na rin kay Amy. Nagtawanan pa ang ilan dito.
Napayuko nalang si Amy dahil sa kahihiyan. Nasabi nalang niya sa isip:
Amy: Hayyy talaga naman tong lalaking to!
(Sa bahay, pagkaluto ng almusal ay sabay na kumain ang dalawa)
Amy: Ano ba naman yung ginawa mo kanina? Nakakahiya!
Perry: Bakit ano bang masama don? Sumagot lang naman ako sa pari eh di ba ganun naman dapat?
Amy: Anong sumagot? Naghohomily yung pari bigla kang magsasalita jan. Ang lakas lakas pa ng boses mo.
Perry: Ano ba atleast marunong akong sumagot. Eh ikaw??
Amy: Sus kunwari ka pa. Natutulog ka na nga kanina eh!
Perry: Eh pano ba naman akong di aantukin ang aga aga mong manggising!
Amy: Simula nga mamaya matulog ka na ng maaga! Para bukas hindi ka natutulog sa simbahan.
Perry: Ano?? Ayoko na magsimba! Ikaw nalang kung gusto mo.
Amy: Anong sabi mo?! Wag ka ngang ganyan Perry. Alam mo sabi nila pag nakumpleto mo daw yung 9 na araw ng simbang gabi, magkakatotoo mga kahilingan mo. Tutuparin ng Diyos lahat yun bilang reward. Ayaw mo ba nun?
Perry: Hayy sino bang isip bata ang maniniwala jan? Ikaw lang naman. Engot ka kasi.
Amy: Totoo yun noh. Tsaka minsan ka na nga lang magsisimba eh. Wag ka nang tamarin!
Perry: Ayoko bahala ka jan.
Amy: Gusto mo araw-araw kitang ipagluto ng paborito mong shanghai? Tsaka yung homemade ice cream ko na nagustuhan mo igagawa kita ulit, basta magsimba ka lang.
Perry: Ha? Totoo ba yan?
Amy: Oo naman! Basta ba simula bukas gigising ka na ng alas dos ng madaling araw para magsimba.
Perry: Sus. Yun lang ba? Sanay naman ako sa puyatan dahil sa trabaho ko yan pa ba di ko kaya? Basic.
Amy: Tingnan mo to ngayon ang yabang mo. Siguraduhin mo lang ah!
Nang mga sumunod na araw ay pahirapan pa rin kung gisingin ni Amy si Perry tuwing madaling araw, ngunit nakumpleto naman nila sa awa ng Diyos ang 9 na araw ng simbang gabi.
Maria Angela Patrice M. Mabutol
Writer, Content Management Team - Media Ministry
Maria Angela Patrice M. Mabutol was a former senior high school student at Eastern Star Academy and took HUMSS Strand under Academic Track. She was a former member and writer of Aranzes Journal at NSDAPS. Aside from being passionate in writing, she is also into photography and music. Angela is a firm believer that life is just a matter of perspective that if you change your view, the rest will follow. Being a part of Media and Public Information Ministry is a dream come true for her, as it allows her to express her faith not just from being an active parish worker, but through her talent and skills which she thinks people deserve to be shared with.