Kapag tayo’y malalim ang pagmamahal sa isa’t-isa ay normal lang ang konsepto at aksyon ng sakripisyo. Kakaiba at tunay na kahanga-hanga naman ang sakripisyo kung ito’y isinagawa sa taong ni hindi natin kakilala – halimbawa ay ang pagsagip sa nalulunod na tao na ‘di natin kaano-ano. Pambihira ang ganitong pagmamahal. Pero kung ang pag-ibig ay natural o normal, ganoon din ang pagpaparaya o sakripisyo. Kung magka-minsan nga, ito’y nagiging napaka-dramatic.

“AAKYATIN KO ANG PINAKAMATAAS NA BUNDOK” o eksaherado o “LALANGUYIN ANG PINAKAMALAWAK NA DAGAT PARA SA’YO.” Madalas ito winiwika sa mga hangal sa pag-ibig o infatuated na mangingibig. Katuwa man kung isipin natin, ay sinasalamin lamang nito ang bugso ng pagmamahal na madalas mararamdaman ng mga mang-iibig.

Natatanto nila na ang sakripisyo ay lalong magpapatibay lalo ng kanilang pagmamahalan pagkat ito ang pinaka-ramdam na ramdam na katibayan na meron tayong HUMAN SOLIDARITY o makataong pagkakaisa. Ang isa ay magpaparaya, samantalang ang isa naman ay giginhawa sa ganansya na ipinagkaloob noon una – PERO – NGUNIT – SUBALIT meron pinagsama-samang biyaya sa ganitong okasyon pagkat ‘di naman tayo talo sa pagsasakripisyo, bagkus ay kay sidhing ligaya ang madarama. Dahil nga kung anong mabuti para sa taong minahal natin ay hahalintulad ding “pakinabang” para sa atin. IT’S A TWO-WAY STREET ALTHOUGH ONLY ONE SEEMS TO BE ACTIVELY “SACRIFICE.” Kung tunay na malalim ang ating pagmamahal ang benepisyo nito ay damang-dama rin natin.

Oo nga may tinatawag na qualifier sa ganitong ikinikilos natin. Madalas ngang maliitin ito ng bansag na WITH STRINGS ATTACHED o may motibong material na pakinabang para sa nagsasakripisyo. Mas nasa lugar ito kung ika-kwalipika natin nang ganito: WITH HEART-STRINGS ATTACHED. Kung magka-minsan nga ay mapapa-Satanas ang ating magandang layunin.

Siguro naman ay naaalala pa ninyo ang kasabihang HELL IS PAVED WITH GOOD INTENTIONS – yung di inaakalang makakapahamak sa tinutulungan mo ay ‘di nagbubunga ng mabuti sa ‘di kalaunan. Ibang usapin na ‘yon. Ang tinatalakay natin dito ay ang sakripisyong sinalilaliman natin nang buong pagmamahal ay kahit pa di mawari sa kapahamakan ng minamahal o PURITY OF INTENTION CAN GO A LONG WAY AND IS NOT GOING SO EASILY INTO THE DEVIL’S HAND OR MACHINATION. Ganon pa man, dapat tayong magpaka-ingat, lalong lalo na (wika na e.e. cummings) sa larangan ng pag-ibig:

ONE CANNOT BE TOO CAREFUL OF LOVE, OF HOW WE LOVE.

Social Media Comments