Memento Mori… “Remember, man, you must die”. Isa ito sa mga salitang napakahalaga at life-changing words na maadalas banggitin ni Fr. Larry dati sa kanyang mga homilies. Kapag naalala ito ng mga nakikinig sa kanya, maaalala din ang kanyang pangalan at mga pagpapatawa. Matatandaan din ang sculpture ng bungo na kanyang ipinapakita sa lahat once a year sa kanyang mga misa to remind himself and all the mass goers that death is truly inevitable. Kakaibang experience nga naman ang makakita ka ng bungo during a homily kaya makukuha talaga nito ang atensiyon ng sinumang nakikinig. Ang pinakamahalaga sa lahat, ang makabuluhang mensahe sa likod ng mga ito – that all of us will one day die. Ang challenge ay huwag matali sa mga materyal na bagal at lumilipas dahil ang buhay sa mundo ay napakaikli lamang at ang bawat isa ay walang kasiguraduhan sa kanilang itagagal sa mundong ibabaw. Sabi nga niya sa isa niyang homily, nagdaan na sa harapan niya ang napakaraming coffin ng mga pumanaw sa iba’t-ibang edad: may matanda, lalaki, babae, teenager, bata at maging mga sanggol na ang iba ay hindi pa isinisilang. Wala iyon sa edad. Nobody knows the time so seek God while you can.
Today, February 10, is his first death anniversary. Dito pinatunayan ng Diyos sa lahat ang laging sinasabi at ipinaaalala ni Fr. Larry – na lahat ay mamamatay maging sino ka man. His passing moved the parishioners and many friends into tears. Napakaraming umiiyak na sumilip sa kanyang labi na nasa gilid ng altar ng simbahan. Napakaraming testimonies ng kanilang pagbabago at paglago sa pananampalataya ang naipahayag because of his down to earth homilies and sharings. Yung sharings na tipong patatawanin ka muna, patatamaan sa mga tunay at makatotohanang pag-aayos ng pasaway na attitude ngunit sa huli ay paiiyakin ka sa isang personal na panalanging tumitimo sa puso.
Sa kanyang pagpanaw sa edad na 55 years old, napakaraming mga salitang pabaon mula sa kanya ang maaala-ala ng bawat isa. May kanya-kanyang personal na dating at simpleng hamon na laging may katatawanan na gumigising sa mga nakikinig. Masayang alalahanin kung paanong kapag araw ng Linggo ay napupuno ang simbahan (hanggang sa may gate) ng matatanda at lalo na ng mga kabataan na ang pinakaaabangan ay kanyang mga homilya na ibang iba sa nakagisnan natin na kinaiinipan at nakatutulugan na minsan ng mga nagsisimba. Ang iba ay nagkaroon na ng feeling na hindi kumpleto ang pagsisimba kapag hindi narinig ang kanyang reflections sa Ebanghelyo. Nakaka-amaze. In his simplicity, sa kanyang pagiging ordinaryo, sa mga simpleng gawi, kahinaan, kalakasan, pagiging computer enthusiast, hilig sa halaman, sa aso at iba pa, mayron pa ring bagay na natatanging kanya lang, ‘di ba?
Fr. Lawrence C. Paz, isang hindi malilimutang pangalan ng isang karaniwang pari na may kakaibang approach sa kanyang homilya, pari na bumababa sa level ng salita ng karaniwang tao, bata, matanda at teenagers, nambabara ngunit hindi nakakainis bagkus napapatawa ka na lamang, pari na nagagawang simple at konkreto ang mensahe ng Ebanghelyo.
Salamat po, Padre, sa mga ala-ala na hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay pag-asa sa amin ng katotohanan ng pagmamahal ng Diyos sa totoong buhay, sa loob at labas ng aming tahanan …
Our prayer for you… “May the Lord bless you and keep you; may the Lord make his face shine on you and be gracious to you and give you peace. And may the Lord grant you, his priest, the reward of eternal life.” Amen, Amen… and Amen.
Little White Flower
Senior Contributor