Kaya nga sa panahon ng Kwaresma, hinahangad ng Diyos na dapat maging concern din tayo sa mga mahihirap. Hindi lamang sarili ang iniisip. Photo: Aldrin Llagas /MPIM
Sino sa atin ang walang problema? Mula sa pinaka simpleng problema hanggang sa mga pinaka komplikadong problema marahil naranasan mo na rin ito sa buhay mo.
Sabi nila kakambal na daw ng tao sa buhay ang problema. Mula sa tayo’y ipinanganak, habang tayo’y nabubuhay at hanggang sa tayo’y mamatay meron at meron pa ring problema na mararanasan. Pwedeng maiwasan at meron ding pagkakataong sadyang hindi maiiwasan na dapat harapin.
Merong dalawang klase ng problema sa buhay at ito ay ang mga:
(1) Happy Problems – Ito ang mga problema na pwede mong tignan in a positive light. Ito rin ang mga problema na minsan sa pananaw ng iba ay hindi naman dapat pinoproblema o mga problema na may mga madadaling solusyon. Tulad halimbawa:
1. May pera ka pero di mo alam kung anong gagawin mo o di mo alam kung
saan ilalaan.
2. Maaaring libre ka sa buong mag hapon pero di mo alam kung ano gusto
mong gawin.
3. Maaaring nagugutom ka at gusto mong kumain, pero di mo alam kung ano gusto mong kainin
(2) Unwanted Problems – Ito naman ang mga problema na sa sobrang bigat ay hangga’t maaari ay ayaw mong harapin. Mga problema na minsan ay magbabago sa iyo at sa takbo ng buhay mo. Mga mabibigat na problema na kung minsan ay gusto mo ng sukuaan dahil hindi mo na alam kung ano ang gagawin.
1. Problema sa kawalang ng pera para sa araw araw na pangangailangan
2. Mga problema sa relasyon sa pamilya, kaibigan o sa mga taong mahahalaga sa iyo
3. Mga problema sa pangkalusugan o sakit
Ilan lamang yan sa mga mabibigat na problemang dinadala ng bawat isa sa atin, maaaring iba man ito sa bawa’t isa sa atin pero lubhang mabigat dalhin.
Kung ikaw ay dumalo sa Lenten Recollection nitong nagdaang Marso 15
Marahil tumatak sa isip mo ang sabi ng guest speaker natin na si Bro. Michael Angelo Lobrin:
“Eto lang ang rule, kung may pinagdadaanan kang problema dumaan ka lang, ‘wag kang tumambay.”
Nakabubuti ba ang mga problema sa buhay ng tao? Ito ba ang dahilan kung minsan nagiging masama ang isang tao o nakasasama sa kanya?
A matter of perspective – kahit anong bigat ng problema ng isang tao dapat matuto tayong hanapin o tumingin sa mga mabubuting nakalakip o nakatago sa mga problemang ito, kailangan magpasalamat dahil may mga mabubuting bagay ang kinalalabasan sa mga problemang dinadala mo, dahil kung minsan ay maaaring iniiiwas ka sa mga mas mabibigat na problema ng di mo nalalaman.
Nagiging masama ang epekto ng problema sa atin kapag ito ay naiipon at dumating na sa punto na gipit na tayo….doon tayo nakakagawa ng masama. Tandaan na ang problema sa buhay ay dating lang ng dating yan… huwag mong ipunin, hanga’t maari harapin at sumahin agad… masakit man aminin na kung kailan gitpit ka na doon ka na rin makakaisip at makagagawa ng mga bagay na labag man sa kalooban mo at alam mong masama ay mapipilitan kang gawin.
At ang pinakamahalaga, na sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan natin sa buhay, ay huwag lumimot sa Panginoon. Minsan kasi nakakalimot tayo na tumawag sa kanya, minsan nakalimutan natin na tanging siya lamang ang makakatulong sa atin, at madalas kapag nasuma na ang mga problema natin nakakalimot naman tayong mag pasalamat. At kung meron man mabuting naidulot ang mga problema sa buhay natin, marahil ito ay naging daan para malapit tayo sa Diyos sa mga pagkakataon na nakalimot tayo.
May this season of Lent bring you closer to God, at sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan mo kapit lang sa kanya, be humble and open to Him, cast your worries and sorrows to Him at higit sa lahat alalahanin mo siya, pasalamatan at ipagkatiwala mo ang lahat ng ito sa kanya.