Sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon, ipinaliwanag ni Rev. Fr. Bembol Hiteroza and salitang Maundy, na nagmula sa salitang Mandatum na nangangahulugang command sa wikang ingles. Ang isang utos ng Panginoon ngayong kuwaresma ay ang magmahalan tayo gaya ng pagmamahal na ibinibigay at ipinaparamdam niya sa atin.

Maliban dito, inaanyayahan din tayong pagnilayan at isabuhay ang mga pagbabagong naganap sa nasabing araw na ito. Ayon kay Fr. Bembol, ang mga nasabing pagbabago ay: from object to gift, from master to servant, at from mine to yours. Sabi nga ni Heraclitus, “There’s nothing permanent except change.” At nawa’y simula ngayong araw na ito ay magsimula ang pagbabago.

1. From Object to Gift

Gaya na lamang ng tinapay na naging katawan at ubas na naging dugo ni Kristo, ang lahat ng ito ay mga ordinaryong bagay lamang na naging regalo sa atin upang iligtas ang sanlibutan. At sa tuwing tayo’y magsisimba, nakatatanggap tayo ng regalo mula sa Diyos: ang Kanyang katawan at dugo.

2. From Master to Servant

Ang Diyos ay nagkatawang-tao upang maglingkod sa atin at nais niyang maunawaan natin ang Kanyang mga pangaral at gawa. Matatandaan na tuwing Jueves Santo ay isinasagawa ang paghuhugas ng paa na tanda ng paglilingkod at kababaang loob. Gusto ng Panginoon na maghugasan din ang bawat isa ng paa tulad ng ginawa niya. Ibig sabihin lamang nito ay paglingkuran din natin ang bawat isa. Tayo ay nandito para maglingkod at hindi paglingkuran. Inaanyayahan tayo na ibaba natin ang ating sarili upang maglingkod sa iba. Huwag sasama ang kalooban sa pagkakataaong hindi tayo mapagbigyan sa ating mga kagustuhan dahil ang ginagawa natin ay para sa Panginoon.

3. From Mine to Yours

“Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang,” ika nga ng isang kanta. Gaya ng ginawa ng Panginoon, iniaalay niya ang Kanyang sarili para mailigtas ang sanlibutan. Our lives are not our own. Ang ating buhay ay hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa iba. Sa pagkakataaong ito, hindi lang dapat pansariling kapakanan ang dapat nating isipin. Pinapaalalahanan tayo na gaya ng dakilang pag-ibig ng Diyos, isipin din natin ang kapakanan ng iba.

Tulad ng Panginoon, lagi nawa tayong maghugasahan sa isa’t isa. Umiral sana sa ating puso ang kababaang loob upang magawa nating maglingkod sa isa’t isa. Bigyan tayo ng kalakasan para patuloy na maging matatag at maglingkod sa kapwa dahil ang paglilingkod nating ito ay siya ring paglilingkod natin sa Panginoon.

Sana’y hindi lamang sarili ang iniisip ng bawat isa kundi isipin din kung paano makakagawa ng maganda sa kapwa at sa lipunang ating pinagsisilbihan. Ang lahat ng ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa bawat miyembro ng llipunan at sa komunidad nating ginagalawan.

Nawa’y ngayon mga mahal na araw ay baguhin na natin ang mga mali sa ating sarili at ang pagbabagong ginawa ng Diyos ay maging inspirasyon sa atin.

 

 

Lester de Castro

Lester de Castro

Writer, Website Team - Media Ministry

To those who know him, no words are required. To those who do not, no words will suffice. Lester R. de Castro is a “scholar ng bayan” at Polytechnic University of the Philippines taking up Accountancy, Business, and Management. Lester belongs to his batches’ "Cream of the Crop" dominating to a remarkable vision of the future. Currently, as a website writer of DSPNSDA’s Media and Public Information Ministry, the talents and skills he received from the Almighty above are being used and shared not only for his own good but for the good of others as well. He believes that in life, God must be the center who guides us towards the right path.

Social Media Comments