Bakit yung mga nagtatrabaho sa ilalim ng init ng sikat araw at nagpapawis maghapon mababa ang sweldo kesa sa mga naka-aircon na opisina?
Bakit yung mga panday sila pa ang sira-sira ang bahay?
Paano nga ba susukatin at tatapatan ng pera ang gawa ng isang tao? Ano nga ba ang sukatan ng tamang pasahod?
Si San Jose ay Patron ng mga Mangagawa. Dalawang bagay na pwede nating matutunan mula sa kanya: SJ…
1. Silently Working. Si San Jose ay tahimik na gumawa. Symbolical na rin marahil kung bakit ilang bagay lang ang natala tungkol sa kanya sa Bibliya. Pero kung gagamitin lang natin ang ating imahinasyon mababanaagan natin ang malaking hirap at sakripisyo niya. Noong panahon na iyon ay sobrang taas ng tax na kinukuha ng makapangyarihan mula sa kanilang nasasakupan at si Jose bilang isang maliit na mangagawa ay kailangang pasanin ito.
Sa Gospel si San Jose ay ipinakilala bilang “tektoon” Greek word na nangangahulugang “skilled worker.” Ayon sa isang scholar siya din ay isang “construction worker” at nagtrabaho sa itinatayo noong capital na Sepphoris. Pero si Jose ay isa ring farmer na karaniwang gawain sa Galilee. Alin man ang totoo sa mga bagay na ito ay makakasigurado naman tayo na si Jose ay naging masipag na mangagawa. Itinaguyod niya si Maria at Hesus.
Sa panahon ngayon kailangan nating matutunan na magtrabaho ng tahimik. Hindi ipinagyayabang ang mga narating. Hindi ipinangangalandakan ang mga tulong o mabuting nagawa sa ibang tao. Hindi ba’t si Hesus na rin ang nagsabi nah hwag ng malaman ng isang kamay ang mabuting ginagawa ng kabilang kamay? Ang paggawa ay ating pakikibahagi sa pagpapatuloy na paglikha ng Diyos. Hwag ikakahiya ang mga kalo dulot ng trabaho o ang nasusunog na balat dahil sa sikat ng araw o ang kaliitan man ng sweldo. Ang trabaho ay misyon na para sa Diyos.
2. Joyfully Serving. Ayon sa isang scholar marahil si Jose ay namatay habang nagtatrabaho sa Sepporis. Ilang araw siyang mawawala sa piling ng pamilya at uuwi lamang kapag may dala na siyang pagkain o mga bagay na kailangan ng pamilya. Hindi man natala pero masasalamin naman natin na siya ay gumawa ng may kagalakan. Gumagaan ang isang gawain kapag masaya at malaya na tinatanggap ang isang gawain. Nagagawa ang mga bagay kung ito ay may pinag-aalayan at kalakip ng may pagmamahal.
Magaan ang isang gawain kung ito ay kusang loob na tinagngap. Yung mga bata kapag inutusan sumusunod naman pero nakasimangot. Yung mga matatanda sumusunod naman sa batas pero panay ang reklamo. Kung matututunan sanan nating yakapin ang isang gawain bilang bahagi ng misyon gagawin natin ito ng may kagalakan. Kapag masaya tayong nagtatrabaho gumagaan din anuman ang gawain na ito.
Tularan natin si San Jose. Silently working kahit di pinasasalamatan. Joyfully serving kahit na maraming kontrabida.
St. Joseph, pray for us!
Happy Feast day AVSJ!
Mabuhay ang lahing manggagawa!