The Beauty Of Life And Death Is So Much More Than “Live. Love. Laugh.
“Amen,amen I say to you…you will weep and mourn while the world rejoices…you will grieve but your grief will become joy”
Masakit mawalan ng isang minamahal lalo kung ito ay iyong anak,kapatid,magulang o asawa…masakit lalo at naging bahagi siya ng ating buhay.Noong mawala si ramon akala ko katapusan na ng aking buhay dahil apatnapung taon kaming nagsama bilang magasawa…Akala ko noon hindi ko kaya dahil sa murang edad na disinwebe hanggang sisenta ay kami na ang magkasama at siya ang aking timon…siya ang aking kapitan…siya ang aking gabay at ang aking buhay.Ngunit sa pagkawala pala ng isang minamahal ay may ipinapalit ang Diyos.Sa aking pangungulila sa kanya ay ibinigay sa akin ng Diyos ang lakas ng loob upang lubos na magtiwala sa Kanya.Sa Kanya ko dinadala ang aking mga hinaing sa buhay…sa Kanya ko isinusuko ano man ang aking pinagdaraanan.
Sa ating buhay maraming pagsubok at paghihirap tayong nararamdaman…minsan para na tayong pinapatay…but it’s okey na malungkot..it’s okey na manghina…dahil pagkatapos nito there will be joy in our life.After hardship in life and after mourning and grieving our grief will become joy…
If and only if…we put our trust in Him.If and only if we surrender our life to Him…
Si Hesus ay niyurakan,dinusta at sinaktan hanggang sa mamatay.Si Maria na kanyang Ina ay nanangis…ngunit pagkatapos nito si Hesus ay muling nabuhay at si Maria ay nagalak.
Marami sa atin ngayon ang nananangis sa pagkawala ng ating minamahal…marami ang nalulungkot dahil sa pagkasira o pagkawala ng isang maayos na relasyon…but being sad and grieving is part of the process of letting go…mahirap pero ano ba ang mas hihirap pa sa pinagdaanan ni Maria noong ipinako at mamatay si Hesus sa krus.
In our moment of grief let us trust the Lord.Let us surrender to Him everything…and in doing so our grief will become joy…slowly but surely!
Lord thank You for comforting us.Amen!
Lilia Cuevas-Rodriguez
Writer/Contributor
She is a mother of three (3) boys and a grandmother of four kids.She is the wife of the late Ramon Rodriguez, former coordinator of the Parish Pastoral Council - Evangelization Ministry of the Parish. Currently, she serves as a Mother Butler and a member of the Couples for Christ Foundation for Family and Life. She is also a member of the Secretariat of the Parish Renewal Experience. She loves to write and loves to cook.