Rev. Fr. Bembol Hiteroza, Parish Priest, released a letter enumerating the changes on “Araw ng Pamimintuho” and explained the reasons of the written adjustments. Below is his letter:

Sa Lahat ng Koordinator ng mga Ministri,
Pinuno ng mga Organisasyong Pansimbahan,
Koordinator ng mga MSK,
at sa mga DebotoNg Birhen ng Aranzazu

Sumainyo ang Kapayaan ni Kristo!

Upang lalong mapaigting ang “Araw ng Pamimintuho” na isinasagawa tuwing ika-9 na araw ng bawat buwan ay magkakaroon ng pagbabago sa ilang mga gawain sa araw na ito.

1. Ang Healing Mass na isinasagawa tuwing ika-9 na araw ng bawat buwan sa ganap na ika-6 ng gabi ay mananatili liban na lamang kung ito ay matapat ng araw ng Linggo.
Kung ang ika-9 na araw ng buwan ay matapat ng linggo, ang Healing Mass ay gaganapin sa ika-7:15 ng gabi.

2. Ang prusisyon na dating ginagawa tuwing ika-9 na araw ng bawat buwan ay ililipat tuwing ikalawang Sabado ng bawat buwan matapos ang banal na misa ng ika-6 ng
gabi. Ito ay tatawaging Second Saturday Devotion. Ang pagbabago ay bunsod ng mga sumusunod na kadahilanan:

a. Maraming mga deboto na nais sumama sa prusisyon ang nagmumula pa sa ibang lugar lalo na ang may mga pasok. Kaya’t kung malilipat ng ikalawang Sabado
ang prusisyon, sila’y magkakaroon ng pagkakataong sumama.

b. Ang Sabado ay itinuturing na araw ng Mahal na Ina, kaya ang ikalawang Sabado ay ituturing na “Araw ng Birhen ng Aranzazu” at tatawaging “Second Saturday Devotion.”

c. Naobserbahan noong mga nakakaraang prusisyon ng Araw ng Pamimintuho na sa tuwing tumatapat ng Sabado ang ika-9 na araw ng buwan ay higit na marami ang dumadalo ng prusisyon.

Dahil dito, simula sa buwan ng Hulyo, 2019, ang prusisyon na dating isinasagawa ng ika- 9 na araw ng buwan ay ililipat na sa ikalawang Sabado matapos ang Banal na Misa ng ika-6 ng gabi at tatawagin itong “Second Saturday Devotion to Our Lady of Aranzazu.”

Pinagtibay ngayong ika-7 ng Hunyo, 2019 sa Parokya at Dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu.

 

(SGD) BRO REYNALDO G. BALCOS
Tagapangulo, Ministerye ng Dambana

(SGD) BRO. DANI BOY R. VILLANUEVA
Pangulo, Sangguniang Pastoral

(SGD) RDO. PADRE LOPITO P. HITEROZA
Rektor ng Dambana at Kura Paroko

Social Media Comments