Rev. Fr. Bembol Hiteroza invites all devotees and parishioners to take part in the celebration of the 550th year of Aranzazu’s apparition. Here is his letter.

Hunyo 2, 2019

SA LAHAT NG MGA NAMUMUNO
SA MGA KAPILYA NG ATING PAROKYA

Minamahal naming kapatid,

Kapayapaan sa Panginoon!

Sa darating na ika-15 ng Hunyo 2019, araw ng Sabado ay gugunitain natin ang ika-550 taon ng aparisyon ng Birhen ng Aranzazu, isasagawa po natin ito sa pamamagitan ng prusisyon na magsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon sa Kapilya ng Sto. Cristo de Burgos sa Guitnang Bayan 2 patungong Simbahan, at sa ganap na ika-6 ng gabi isasagawa naman ang Banal na Misa. kung gaganapin ang “Pagtatalaga ng Sarili ng mga may Katungkulan Pamahalaan”.

Ang bawat MSK’s ay mangunguna sa pagsasayaw sa bungad ng prusisyon na nakasuot ng Filipiña, samantalang ang bawat ARK’s ay dadalhin ang mga imahen ng Birhen ng Aranzazu, ipinapaalala din na magdala nang panangga sa ulan dahil tuloy po angvating prusisyon kahit na malakas ang ulan.

MULI NATING UULITIN ANG NAGANAP NA PAGKAKAKAISA 550 TAON NA ANG NAKALILIPAS SA OÑATE, ESPAÑA NANG IPAGBUNYI NILA ANG APARISYON NG BIRHEN NG ARANZAZU NOONG BUWAN NG HUNYO ARAW NG SABAD0, 1469. Sa pamamagitan nito lalong ibubuhos ng Diyos ang pagpapala sa ating lahat dahil sa pagkakaisa na ating ipapakita.

Sumasainyo kay Jesus at Maria,

Bro.Reynaldo G. Balcos
Taga- Pangulo
Ministeryo ng Dambana

Bro. Dani Boy R. Villanueva
Pangulo
Sangguniang Pastoral ng Parokya

Pinagtibay ni
Reb. Padre Lopito P. Hiteroza
Kura -Paroko at Rector

Social Media Comments