Pain can cause a person to feel mean, intolerant and even vengeful. That some would even question God’s ways out of that deep hurt that we are feeling over a situation in our lives.

“Bakit kung sino pa yung masama ay siya pang mas mahaba ang buhay?!”

 

“Bakit kung sino pa yung mabait ay siya pang unang kinukuha ni Lord?”

 

Malamang minsan sa buhay mo ay narining mo na ang mga salitang ito, mula sa ibang mga tao na may ganitong klaseng tanong, o kaya naman ay pwedeng minsan ikaw rin naitanong mo ito sa sarili mo o sa ibang tao ito.

 

We have people in our lives, either related or not related to us, or even a stranger, who caused us harm and much anguish. Mga bagay na sobrang nakasakit at nagdulot ng mga pagbabago sa buhay mo na hindi mo malimutan at nakaapekto ng masama sa iyo in a way that it changed or altered your life completely, and that things will never be the same again.

 

In the midst of the confusion and pain, at times we might find ourselves asking or wishing for this… Tanong na kadalasan ay dala ng poot at galit… tanong na minsan that it comes to a point that a person would wish someone who has hurt them to just die or disappear. Have you ever wish something ‘that’ nasty would happen to someone? Did you feel guilty about it? What did you feel when it did or did not happen?

 

Why do we do it?

 

I think it’s normal to ask this question or rather at times wish someone who has hurt you to die or disappear (as long as you do not act on it). We are all guilty of wishing bad things when we feel so much hate and pain that we desire to inflict it on someone else – we do have our moments of wishing nasty things on other people.

 

In an attempt to answer this question, dalawang bagay lang ang natutunan ko kung bakit minsan ay nagagawa nating mag tanong ng ganito:

1.) On asking why – as a means to express a cry for help

Para sa iba, ito ay sa kagustuhan din nilang malaman at maintindihan kung bakit pinapayagan ni Lord mangyari ang mga hindi kanais nais na bagay sa buhay natin ng dahil o gawa ng ibang tao. An understanding on what is the purpose for all of this.

2.) On asking why – as a means of wishing ill on others

Pain can cause a person to feel mean, intolerant and even vengeful. That some would even question God’s ways out of that deep hurt that we are feeling over a situation in our lives.

Never wish ill upon anyone

 

With all humility, I wish I could find ways to answer this question, or at least give comfort and understanding to the people who have asked me these questions, who are hurting, time and again. Let me tell you this as gently as I can.

“Bakit kung sino pa yung masama ay siya pang mas mahaba ang buhay?!”

“Bakit kung sino pa yung mabait ay siya pang unang kinukuha ni Lord?”

 

Lahat naman tayo ay doon din patungo, lahat tayo mamamatay. Naisip ko na marahil kaya hinahayaan ng Diyos na mabuhay pa sila (ang mga taong nakasakit o nakagawa ng masama sa atin) ng mas matagal dito sa mundo, ay dahil binibigyan pa sila ng pagkakataon na magsisi at magbagong buhay. Kung gaano naging napaka haba ng pasensya sa atin ng Diyos sa ating mga pagkakamali, ganoon din siya sa mga taong ito. At kung tinatanong mo kung bakit hinahayaan ng Diyos ito, remember that God’s way are His ways, siya ang higit ng nakakaalam ng lahat, huwag natin pangunahan ang Diyos, may dahilan ang lahat, hindi man natin alam o maintindiahan ang mga ito sa ngayon. At kung patuloy na nasasaktan ka o nagdurusa sa mga ginawa ng mga taong ito sa iyo, maaaring alam man natin o hindi, sila rin na nakagawa ng masama ay nagdurusa din.

 

Bilang Kristiyano we are called to love and loving comes with forgiveness, kung hindi mo makuha magpatawad sa ngayon ipagdasal mo nalang muna sila kailangan din nila iyon. At kung dumating man sa buhay nila na hanggang sa huling sandali ay hindi pa rin sila nagsisi at nagbago, that is now between them and God, ganoon pa man ipagdasal mo pa rin sila.

 

If someone has intentionally (or not) hurt you, try to see it as a call for love. What are you willing to do to end your suffering that creates vindictiveness in you? Have you tried to forgive? If not, it’s alright, you do not need to force it, sometimes forgiveness takes time, but at least try to pray for them for they need that too in their lives.

 

That is why we should never wish ill upon anyone. Instead of wishing bad things for them, try to have compassion, for they too are suffering.

 

Social Media Comments