Narinig na ba ninyo ang sabi ng matatanda na “magpapantay ang aking paa pero di kita patatawarin”…
Sobrang emo ano? Mamatay man ay di magpapatawad.

Bakit nga ba may tao na sukdulan sa langit kung magalit sa kanyang kapatid?Hindi kaya nya naiisip na siya ang unang naaapektuhan ng kanyang emosyon?nag iisip sya,tumataas ang kanyang presyon,nawawala sya sa tamang disposisyon…tapos pati pamilya nya nakikisimpatya sa kanya mayroon na ring sama ng loob…hanggang tumagal ng tumagal ng tumagal…naging magsasaka na…nagtanim ng nagtanim…at ano ang aanihin? Walang kapayapaan…laging umiiwas…minsan hindi makatulog.

Tunay na napakahirap magpatawad.Ikaw kaya ang gawan ng kasalanan!Pero ano ba yung buting naidudulot ng sama ng loob…wala di ba?at saka hello! Ang sarap ng feeling na lahat kabati mo!

 

 

Forgiveness…

Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo kausapin mo at kung humingi ng tawad patawarin mo.Kung matigas pa rin siya at ayaw humingi ng tawad ituring mong makasalanan.Ngunit huwag mong kalimutang ipagdasal sapagkat ang Diyos ay may sariling paraan upang ayusin ang inyong di pagkakaunawaan.

 

Ama namin patawarin Mo po kami sa aming mga sala…paano tayong patatawarin ng Diyos kung hindi tayo marunong magpatawad?
Nawa ay maging bukas tayo sa pagpapatawad para masabi nating “para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin”. Amen!

Lilia Cuevas-Rodriguez

Lilia Cuevas-Rodriguez

Writer/Contributor

She is a mother of three (3) boys and a grandmother of four kids.She is the wife of the late Ramon Rodriguez, former coordinator of the Parish Pastoral Council - Evangelization Ministry of the Parish. Currently, she serves as a Mother Butler and a member of the Couples for Christ Foundation for Family and Life. She is also a member of the Secretariat of the Parish Renewal Experience. She loves to write and loves to cook.

Social Media Comments