Kung mabuhay si Hesus sa panahon ngayon at mag-aaply ng trabaho marahil ay di siya matatanggap…

Di siya pwedeng artista kase hindi siya marunong umarte. Ipinapakita niya kaya siya ay naawa. Nung siya ay nagalit ipinakita rin niya. Lumuha pa nga siya sa labis na nararamdamang emosyon.

Di rin siya pwedeng politician kase hindi siya marunong magsinungaling at mambola para makuha ang kalooban ng iba. Hindi rin niya babaliin ang mga batas para sa pansariling kapakanan.

Di siya pwedeng maging lawyer kase siguradong kakampihan niya ang mga naaapi at naaagrabyado. Ipagtatanggol niya ang mga walang kakayahan na bumayad.

Di rin siya pwedeng engineer kase mas uunahin niya ang mga kumakalam na sikmura at mga nangangailangan ng paghilom sa mga karamdaman.

Di siya pwedeng driver kase mas gusto niya na makipagkwentuhan sa mga tao at tumambay sa mga lugar ng mga tao na gusting marinig ang boses niya.

Kung nabuhay si Hesus sa panahon ngayon sigurado ako he will be jobless and broke.

Sabi niya: “Isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng asong-gubat.” Ang pagsunod kay Hesus ay hindi isang seguradong buhay, hindi rin komportable, hindi mapayapang buhay. Kung seseryosohin ang turo niya siguradong may mababangga na paniniwala na dapat na ituwid, may mga ugali na dapat baguhin, may mga tao na dapat na hamunin, may mga baluktot na pag-iisip na dapat na imulat, may mga makamundong pangarap na dapat kalimutan, may mga values na dapat na idangal, may mga panlipunang turo na dapat na isulong…Hindi madali, hindi mabilisan. Kalilangang mamuhunan, kailangang may talikdan, kailangang may isakripisyo.

Will you be jobless and broke for Jesus? Mt. 10-16-23

 

Social Media Comments