Retablo ng San Mateo Chapel sa Dulongbayan. Photo: Reggie Regis
SAN MATEO, Rizal – Noong September 21,1596, araw ng Kapistahan ni San Mateo ay sinimulan ng mga Paring Agustino ang misyon ng pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiano sa pook na pinangalanan nilang San Mateo.Sinimulan rin ang pagtatayo ng isang Dambana o Visita na ang Patron ay si San Mateo. Ang Dambana ay yari lamang sa materiales ligeros o light materials.Noong panahon iyon, ang San Mateo ay Annex o karugtong ng Parokya sa Pasig, ibig sabihin wala pang Parokyang sarili.
Noong August 29, 1659, Naganap ang Unang Pagbibinyag. Itoy pinangasiwaan ni Fray Lucas Ortiz,isang Paring Agustino.Ang Pagbibinyag ay posibleng naganap sa munting Dambana ni San Mateo sa Dulongbayan(ILAYA) sapagkat noong mga unang bahagi ng 1600’s ay nailipat na ito sa nasabing lugar matapos masira ng baha ang unang Dambana na unang itinayo ng mga Paring Agustino sa dakong habagatan ng Cabeseria na ngayon ay Brgy.Sta Ana.
Nang taon din iyon naging isang ganap na Bayan o isang political unit ang San Mateo na nasa ilalim ng lalawigan ng Maynila(Tondo).May sarili na itong Gobyerno na pamamahala subalit noon lamang 1799 naupo ang unang Gobernadorcillo si Don Donato Sulit. Pinamahalaan muna ng mga Paring Agustino ang San Mateo sa loob ng 35 taon hanggang sa pagdating ng mga Heswita noong 1696.
Taong 1696, unang dumating ang mga Paring Heswita at pinamahalaan nila ang pagmimisyo at ang Visita. Ang mga Paring Heswita ay mga deboto ng Birhen Maria at pinalaganap nila ang nasabing debosyon sa San Mateo.Ang Dambana o Visita ni San Mateo ay nailipat na Sa Ilaya(Dulongbayan) dahil nasira ito ng baha sa unang pinaglagyan.
Taong 1705, pinasimulan ni Fr.Juan de Echazabal ang pagpapalaganap ng debosyon sa Nuestra Sra. de Aranzazu.Nagtayo sila ng isang simbahan na yari sa bato at ladrilyo. At ng taong 1716, Natapos ang Simbahang bato at pormal na inihandog sa Birhen ng Aranzazu ni Fr. Juan de Confalonier. Ito ang simula na ang Parroquia ay natanyag na bilang Parroquia de Nuestra Sra.de Aranzazu. Si San Mateo ay nanatili na lamang sa Dulongbayan hanggang ngayon. Hango kay Jesus Antonio Fernando, 2019