Jesus went out into the hills to pray, spending the whole night in prayer with God.

How do you make a decision?

 

For some, it is easy to decide…feel what will make you happy, go with the flow, asking friends, what will give more profits…

But how did Jesus make a decision?

 

Prayer…

 

Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol…

Hindi madali ang pagpili ni Hesus. Ang mga apostol ang siyang magdadala at magpapatuloy ng kanyang sinimulan. Hindi minadali ni Hesus ang paggawa ng desisyon. Katunayan ay tumawag siya ng mga alagad at pinili niyang ipahayag dito ang kanyang pamamaraan.

Kinaibigan muna niya sila. Kasama niya sa paglalakbay, paghahati-hati ng tinapay, pagpapagaling ng maysakit…Kinilala muna niya ng malaliman ang mga ito. At siya ay nakipag-usap sa Ama upang kumpirmahin ang kanyang desisyon kung sino ang pipiliin.

Bakit kaya hindi na lang sumulat ng libro si Hesus sa halip na pumili ng mga apostol? Bahagi din ito ng buhay pananalangin niya. Ang labindalawa na itinuring niyang kaibigan ay buhay na libro na magdadala ng kanyang turo. Hindi maikakahon o malilimitahan ng mga pahina ng libro ang turo at buhay niya.

So how do you make a decision?

Kukuha ka ng kurso sa college, pinagdasalan mo ba muna bago ka mag-enroll?

May nagugustuhan kang tao, lumapit ka ba sa Diyos at hiningi ang kanyang paggabay kung isya na ba talaga?

Mag-aaply kang trabaho, nagpunta ka ba muna sa simbahan upang manahimik at pagdasalan kung anong trabaho ang gusto ng Diyos para sa iyo?

Katatanggap mo ng una mong sweldo, tinanong mo ba ang Diyos kung ano ang makabuluhang gastusin nito?

Pray without ceasing…Make prayer a part of your lifestyle.

Jesus prayed. Why not you?

 

Social Media Comments