Isang katangi-tanging handog sa atin ng Diyos ay ang kalayaang pumili ng ating landas na tatahakin; yun nga lang, dapat din natin harapin ang anumang konsekwensya ng ating piniling aksyon/desisyon.
Inalok niya tayo ng isang proposisyon: KUNG SINuMAN ANG NAGNANAIS NA SUMUNOD SA AKIN AY DAPAT NIYANG TAGGIHAN ANG KANYANG SARILI, PASANIN ANG KANYANG KRUS AT SUMUNOD SA AKIN. ANG SINuMANG MAGHANGAD NA ILIGTAS ANG KANYANG SARILI AY MAPAPAHAMAK, NGUNIT ANG ‘DI ABALANG ILIGTAS ANG KANYANG SARILI AY MALILIGTAS. Mas o memenos, ‘yan ang buod ng alok ni Hesus sa atin.
Maging ang Diyos man ay nakaantabay lang sa anong magiging desisyon natin, patunay na inilaan sa atin ang karapatang pumili ng direksyon sa buhay nang walang pamemwersa niya. Ito ang masalimuot na Liberum Arbitrium o free will. Wala na yatang hihigit pang patunay na tayo’y itinuturing niyang may hwisyo at di mga AUTOMATION O ROBOT na may buton lang na pipindutin ang Master at aayon ang ating bawat galaw. Tayo ay hinahandugan niya ng ganitong kalayaan na walang pamemwersa mula sa kanya tanda ng pagturing niya sa atin na mahalagang bahagi sa paglikha niya sa sangkatauhan at sanlibutan. Kawangis tayo ng Diyos.
Nasa kamay natin ang anomang desisyon. Hindi ito isang mapaniil na ultimatum tulad ng EITHER/OR ni Kierkegaard (horns of a dilemma) o kahalintulad sa pagpipiliang hakbang sa buhay. Siyempre naman may TRADE OFF ito: ang pananagutan ay sa akin maging anomang uri ito. Mas pipiliin kong may kamay ako sa palakad ng buhay ko kaya maging automatikang tagasunod lamang ang anomang magustuhang ng isang director. Hindi dahil sa ako’y may angking mapanuway na ugali kungdi dahil sa kagustuhan kong maging tunay na kawangis ng Diyos sa kanyang dakilang pagmamahal at pagmamalasakait sa ating mga mortal na nilalang- pero hindi basta ni-la-lang niya tayo o ‘di ke-respe-respeto. Dahil ito’y isang paksa na nangangailan ng malalim-lalim na kaisipan at pagsubok sa puso at utak ang bawat isa sa atin ang marapat lang na turuan natin ang bawat hakbangin at desisyon ng akmang responsibilidad na higit pa sa makitid na pang-sariling kapakanan lamang.