Kasisimula pa lang ng kanilang tungkulin bilang mga alagad ni Hesus ay nagtatalo-talo na ang mga ito at ang pinagtatalunan ay kung sino sa kanila ang pinakadakila, kung sino ang MVP. Human, all too human. Mga alalay pa lang sila pero nagpapa-istaran na. Totoo nga naman nakakalasing ang posisyon sa anumang organisasyon o samahan. Sa ating pulitika ngayon- sa kongreso, ilang kongresista ang nagpapaligsahan sa pagiging “speaker of the house.” Position means power and influence. Napakarami na nating nasaksihang barangay tanod pa lang ay kung umasta ay para bang next-in-line na sa pagka-Chairman. Sa lahat ng sektor ng lipunan ay sadyang kapuna-puna ito at ‘di na dapat siguro nating pagtakhan. Ganun pa man ay mapapailing ka sa magkahalong lungkot at asar. Mangilang beses ko na ring pinipigilan ang pagsambit sa akin ng “SIR” ng mga taong di nakikilala na ako’y pari pag ako ay nasa labas. Minsan sabi ko na lang kuya na lang ang itawag mo sa dahilang kakatwa na sa aming probinsya ang Sir ay code-name para sa SIRA-ulo. Sa kabila ng ganitong mapanudyong paraan ay patuloy pa ring ubod nang galang ang nakakausap ko at ako’y nabubudburan pa rin ng “SIR.” Minsan okay rin sa akin dahil ako’y nagturo sa college at graduate school. Sadyang magalang siguro tayo, galang na kung magkaminsa’y tumutustos sa aking pagkauhaw sa titulo o bansag na nakakakilig o flattering.

 

Akmang-akma dito ang halimbawa ni Hesus sa isang maliit na bata na kanyang kinalong habang buong kasinsinang sinabi na SINUMANG TATANGKILIK SA ISA SA ISANG MALIIT NA BATANG TULAD NITO ALANG-ALANG SA AKING PANGALAN AY TUMATANGGAP SA AKIN… at sa SINUMANG NAUUNA AY MAHUHULI, at ANG NAHUHULI AY MAUUNA. Di kataka-takang ang kapalaluan o PRIDE ay ang pinaka-malalang kasalanan sa 7 CAPITAL SINS.

 

Ang salot ng paigtingan ng posisyon o pwesto sa lipunan ay binibigyan din ng pabirong biro ng isang uri ng komedya ay binansagang (PAGALINGAN) ng tatlong (3) lolo. Mauuna ang isang nagyayabang na may lolo daw sa ganito-ganon. Hihigitan naman ito ng pangalawang may lolong ganon-ganito at sa pangatlong hari ng yabang ay magsasaad na ang kanyang lolo ay daig ang naunang dalawa (2). Declarative-Comparative-Superlative. Ang kabaligtaran nito ay IF YOU WANT TO BE THE BEST, YOU BETTER BE GOOD. At yaong batang kinalong ni Hesus ay kumakatawan sa good.

Social Media Comments