Sa pagsisimula ng ikatlong Simbang Gabi, ipinakita ni Rev. Fr. Gerry Masangya, kung gaano ba pa kaimportante si Jose sa buhay ni Hesus at sa buong kasaysayan ng kaligtasan.

Ginamit ng Panginoon si Jose.” Hindi malaman ni Jose ang gagawin nang matuklasan nyang nagdadalang-tao sa Maria ngunit dahil ayaw nyang malaman ng publiko at mapasama ang kaniyang kasintahan, napagdesisyunan nya na lamang na hiwalayan si Maria nang hindi nalalaman ng nakararami. Bago pa man ito mangyari, nagpakita kay Jose ang anghel ng Panginoon at sinabing huwag syang magdalawang isip na tanggpin si Maria bilang kanyang kabiyak dahil ang ipinagdadala nito ay nagmula sa Espiritu Santo na kaniyang papangalanang Hesus dahil ito ang magliligtas sa sanlibutan.

Buong pusong tinanggap at sinunod ni Jose ang kaloob ng Panginoon dahil ito ay naka-plano na. “Pakinggan natin ang sinasabi sa atin ng Panginoon, pinakinggan ni Jose ang Panginoon para matuloy ang panganganak ni Maria.” Nilinaw na Padre na tulad ni Jose ay kailangan nating magtiwala sa mga plano ng Panginoon .

Sinabi rin ni Padre na dapat ang kaligayahan ay hindi lamang para sa sarili, dahil ito ay baliwala lamang kung hindi natin isinama ang Panginoon sa mga kaligayahan na ito. Dahil sa pagsunod ni Jose sa utos ng Diyos, maayos na nailuwal ni Maria si Hesus na siya namang nagdulot sa kaligtasan ng sanlibutan.

Ang mahalaga sa panahon na ito ay pakinggan ang tinig ng Diyos, sa pamamagitan ng pagdarasal.” Kailangan nating ihanda ang ating sarili sapagkat malapit nang dumating si Hesus. Tinapos ni Fr. Gerry ang kanyang homily sa pagpapaalala sa mga kabataan, “para sa mga millenials, dapat makinig, ‘di lang makinig kundi intindihin kung ano ang sinasabi ng mga nakatatanda.

 

 

 

 

Social Media Comments