Ibinahagi ni Reberendo Padre Lopito “Bembol” Hiteroza ang tatlong proseso ng Spiritual Exercise ni Maria ayon kay Pope Francis. Ito ay kaugnay sa ika-6 na araw ng Simbang Gabi na patungkol sa pagbisita ni Maria sa pinsan niyang si Elizabeth:

Una, Mary has a listening heart. Ito ay nagsimula nang inanunsiyo ni anghel Gabriel kay Maria na siya’y magdadalang tao at ito ang anak ng Diyos. Ito ang una sa proseso ng Spiritual Exercise o iyong paraan ng paglapit sa Diyos sapagkat nalalaman ang lahat sa pakikinig at hindi lamang pakikinig gamit ang tainga, kundi gamit rin ang buong puso. Ang pakikinig gamit ang buong puso ay dapat malinang ng mga magkakaibigan at magkakapamilya sapagkat alam naman natin ang hirap ng pago-open up lalo na ng mga kabataan sa kanilang mga magulang kung kaya’t ang bawat magkakaibigan at bawat miyembro sa isang pamilya ay nararapat lamang na matuto kung paano makinig hindi lamang upang mapakinggan ang hinaing o kwento ng bawat isa kundi upang mailagay nila ang kanilang sarili sa sitwasyon na siyang magiging daan upang makapagpayo sila nang may pagsasala sa bawat bagay. Ito ang kinakailangan ng bawat kabataan ngayon, ang makikinig sa kanila nang may buong puso. When everyone has a listening heart, the world will become a much safer place.

Ikalawa, Mary has a free will to help. Hindi inalintana ni Maria ang layo ng bahay ni Elizabeth at kaniya pa rin itong pinuntahan at kinumusta. Hindi niya inisip ang kaniyang sarili kahit pa siya’y buntis. Bukas sa loob niya ang kagustuhang tumulong kay Elizabeth. Ang iba sa atin, bago pa makatulong sa iba, marami pang satsat, marami pang dahilan. Tandaan natin ang kasabihang, ‘Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.’ Dapat bukas tayo lagi sa pagtulong, walang pinipiling kondisyon, walang hinihinging kapalit. Sa mabuting balita ay naganap din ang isang engkwentro, engkwentro ni Hesus at Juan, engkwentro ng Diyos at ng tao. Sabi nga ni Father Bembol, “Laging nagunguna ang Diyos sa atin, tayo ay tumutugon lamang.”

Ang panghuli, Mary took a concrete action. Ang pagtulong ni Maria ay ginawa niyang posible sapagkat gumawa talaga siya ng paraan. Hindi lamang natapos sa kagustuhan niyang tumulong kundi, kumilos talaga siya at ito ang rurok ng pagiging malapit sa Diyos, ang pagkilos na naaayos sa Kaniyang kagustuhan at naaayon sa Kaniyang pamamaraan.

Hindi lamang tayo dapat makinig nang buong puso at magkaroon ng kagustuhang tumulong sa ating kapwa, kundi nararapat lang na may pagkilos din tayo tulad ni Maria na hindi inisip ang kaniyang sarili sa pagtulong.

 

 

Social Media Comments