Tularan natin si Maria na buong pusong nag-alay ng kaniyang sarili para sa Diyos.
Inisa-isa ni Reberendo Padre Bembol Hiteroza ang apat na katangian ni Maria na nararapat nating tularan bilang mga anak ng Diyos:
- Mary has a heart longing for the Lord. Sa panimula ng homiliya ni Reb. Pd. Hiteroza ay kaniyang tinanong ang mga mananampalataya sa kung sino o ano ba ang kanilang kinapapanabikan ngayong Pasko at may iisa lamang silang sagot, ang pagdating ni Hesus. Gayundin, si Maria ay walang ibang kipinanabikan kundi ang Diyos. Nang inanunsiyo ng anghel na siya’y magdadalang tao at ito ang anak ng Diyos, walang pag-aatubili siyang nag-alay ng kaniyang sarili dahil alam niya ang kaniyang layunin bilang anak ng Diyos at ito ay ang paglingkuran ang Diyos nang buong puso at nang naaayon sa Kaniyang kagustuhan. Sa mundo natin ngayon na kung saan tayo’y madalas na gumagawa para sa ating sarili o di kaya nama’y para may magawa lamang, tandaan natin na we must do things with God, through God, and for God. Lahat ng bagay na ating ginagawa ay dapat ayon sa ating misyon sa buhay. Nararapat lamang na ialay sa Diyos ang ating bawat gawain dahil ito ang silbi ng ating buhay, ang tumulong sa ating kapwa at ang paglingkuran ang ating Diyos.
- Mary has a sincere heart. Kung babalikan ang mabuting balita, tinanong ni Maria ang anghel kung bakit siya ang napili. Naroon ang pagkatakot at ang feeling of unworthiness dahil sa dinami-rami ng tao, siya, na isang simpleng tao lamang, ang napili ng Diyos. Ibinahagi ni Fr. Bembol ang linya mula sa isang kanta ni Keith Martin na ‘Because of You’: Because of you, my life has changed, thank you for the love and joy you bring. Because of you, I feel no shame, I’ll tell the world it’s because of you. Ayon pa kay Fr. Bembol, “because of Mary, the world has changed.” Kung minsan, mapapatanong tayo sa ating mga sarili, “Ano ba ang nagawa ko, bakit kahit sobrang makasalanan ko, napakabuti pa rin ng Diyos sa akin?” “Hindi ko deserve ang mga ibinibigay ng Diyos.” “Bakit kung minsa’y hindi ko pinili ang Diyos, pero palagi Niya pa rin akong pinipili?” Kung minsan pakiramdam natin, hindi tayo karapat-dapat para sa ganoong bagay, maaaring sa isang job promotion, sa pagkuha ng matataas na grado, sa pagkakaroon ng bagong private property tulad ng bahay at lupa, pero hindi natin alam, may plano ang Diyos. Nasa plano Niya ang mga iyon gaya ni Maria na naging bahagi sa plano ng Diyos. Malaking papel ang ginampanan ni Maria sa kaligtasan ng tao kung kaya’t lubos natin siyang iginagalang. Siya ang ina ng simbahan, ina nating mga mananampalataya kay Hesus.
- Mary has a heart that lets go. Ikaw nga ni Fr. Bembol, “To let go and to let God.” Hayaan natin ang Diyos sa Kaniyang plano para sa atin. Ipagpaubaya natin ang ating buong buhay sa Kaniya. Minsan, nagmamagaling pa tayo sa Diyos, gusto natin matupad kung ano ang gusto natin. Nahahadlangan tayo ng mga what-ifs, “Paano kung hindi pala kami magkatuluyan bandang huli?” “Paano kung hindi ako makagraduate?” “Paano kung hindi naman pala para sa akin itong course na ito?” Nagkukulang tayo sa pagtitiwala sa Diyos to the point na gumagawa na tayo ng sarili nating pamamaraan, itinutulak mo na ang sarili mo sa pagpasok sa isang relasyon kahit wala pa sa tamang edad, pinagsasabay mo ang trabaho at ang pag-aaral kahit pa hindi mo na kaya, nagshift ka from one course to another. Let us put our trust on God because in Him, everything is possible. God touches our lives through others: our family, friends, and neighbours. Hayaan natin ang Diyos sa kaniyang pamamaraan. Tutulungan Niya tayo. Always remember that God’s plan is bigger than ours.
- Mary has a heart that is courageous. “Fiat Voluntas Tua” o “Thy will be done” – ito ang pagtanggap ni Maria sa hamon ng Diyos na maging ina ng Kaniyang anak. Sa edad na 14, hindi nag-alinlangan si Maria at buong tapang siyang pumayag sa kabila ng hirap ng pagbubuntis. Itong katangian ni Maria ay isang mahalagang paalaala para sa ating mga kabataan na maging matapang sa anumang pagsubok sa buhay – ang pag-aaral lalo pa’t ang buhay kolehiyo, pamilya, iba’t ibang hamon ng peer groups, at ang pagbabago na ibinabato sa atin ng lipunan. Maging matapang tayo dahil sa anumang yapak na tanda ng ating pag-usad sa buhay ay ating kaagapay ang Diyos.
Ngayong Pasko, tayo’y pinaaalalahanan ng Diyos, sa pamamagitan ng apat ng katangiang taglay ni Maria, na tayo’y magtiwala sa Kaniya, ayon sa Kaniyang pamamaraan at kagustuhan.
Social Media Comments