Ipinakita ni Fr. Bembol na ang lahat ng persona o tao sa bibliya ay may parte sa kaligtasan ng buong sangkatauhan.

    Sinimulan ni Padre ang homily sa pagsabi nito: “Ang bawat persona sa bibliya ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan“. At ipinaliwanag na ang mga karakter sa bibliya ay may parte sa kaligtasan ng tao.

    Ipinakilala ni Padre si Jose at sinabi na isa siya sa may pinaka-importanteng ginampanan sa kaligtasan. Ngunit ito ay sinabi ni Padre: “Naniniwala si Jose na dala ni Maria ang Diyos ngunit siya ay nalilito, hindi alam ang gagawin.“, at ipinaliwanag na alam ni Jose na dala dala ni Maria ang Diyos sa kanyang sinapupunan, ngunit hindi alam ni Jose ang gagawin kung pakakasalan niya ba si Maria o hindi. Nang magpakita na ang anghel sakanya, siya ay nagdedisyon na pakasalan si Maria.

     “Si Jose ang tagapagligtas ng batang Hesus.” Dagdag ni Padre, dahil niligtas niya si Hesus ng ipinapapatay ni Herodes lahat ng mga batang sanggol. At huli niyang sinabi ay “Tayo ay may gampanin, sa lipunan at sa simbahan.“, Bilang Katoliko dapat tayo ay maging katulad ni Jose na may ginagampanan sa buhay ng ibang tao.

 

 

Social Media Comments