Flores de Mayo o Santacruzan?Β Photo: Coro de Sta. Ana
Mayo na mga ka-Dambana! Panahon na ng pamumukadkad ng mga bulaklak sa tagsibol at pagdedebosyon sa pinakamagandang bulaklak sa langit, ang Mahal na Birheng MarΓa.Β
Panahon na rin ng πππ’π₯ππ¦ ππ π ππ¬π’ at π¦ππ‘π§πππ₯π¨πππ‘. Pareho nga ba sila o magkaiba?
πππ’π₯ππ¦ ππ π ππ¬π’
Pagpaparangal sa Mahal na Birhen kung saan araw-araw sa buong buwan ng Mayo, nag-aalay ng bulaklak sa Ina ng Diyos.Sa San Mateo, nakatuhog ang mga bulaklak sa 31 buslo (basket), sumisimbulo sa 31 araw ng Mayo.
π¦ππ‘π§πππ₯π¨πππ‘Β
Natatanging debosyong Pilipino kung saan pinararangalan ang Cruz ng ating Panginoon na tumubos sa ating mga kasalanan. Ito ay sinasariwa sa isang natatanging prusisyon kung saan ang mga binataβt dalaga ay kumakatawan sa mga tauhan ng Banal na Kasulatan. Pinakatampok sa mga ito si Emperatriz SANTA ELENA, ina ni Emperador Constantino, bilang pagpupugay sa kanya sa pagkakatagpo sa Mahal na Cruz ng ating Panginoon.Β
Kasama rin rito ang mga virtud o magagandang katangian ng Mahal na Birheng MarΓa bilang parangal sa Kanya. Ang mga ito ay ipinangalan sa mga reyna tulad ng Reina Fe (Faith), Reina Esperanza (Hope), Reina Caridad (Charity).
π ππ¦π π‘π π£ππ¦ππ¦ππππ ππ§Β
Ginaganap tuwing ika-9 ng umaga sa araw kung kailan gaganapin ang Santacruzan (kadalasan ay huling Linggo ng Mayo) bilang pasasalamat sa buong buwan ng debosyonΒ
Sa San Mateo, ipinuprusisyon ang imahen ng Birhen ng ArΓ‘nzazu mula sa bahay ng Hermana Mayor ng Misa Pasasalamat kasama ang mga sagala na sasali sa Santacruzan kinagabihan, patungo sa simbahan bago ang Misa.
π©ππ₯π πππ§π π‘π πππ₯π ππ‘ππ¦ π ππ¬π’π₯ππ¦Β
Katulad ng Hermano Mayor ng mga kapistahan, makikita natin ang tatlong Hermanas Mayores na may dalang tungkod na tinatawag na VARA ALTA, sumisimbulo sa kanilang katungkulan bilang mga punong tagapagtaguyod ng pagdiriwang.Β
Sa rito pagkatapos ng Santacruzan, ipapasa ang mga ito sa mga mga Hermanas Menores na manunungkulan sa susunod na taon.
Christian Cristi
Contributor and Choir Member, Coro de Sta. Ana
Christian Anthony CristiΒ is a graduate of Bachelor of Science in Electronics Engineering at the Polytechnic University of the Philippines. Heβs a former altar boy, a current member/adviser of Coro de Santa Ana, and a staff of the Vocation Ministry. A devotee of Our Lady of ArΓ‘nzazu and a member of its CofradΓa, he fervently promotes the devotion to Our Lady through different forms of media.