Featured and supporting images are courtesy of the late Rev. Fr. Lawrence Paz’s Facebook account.
Sulyap sa paghahanda sa Koronasyong Kanonikal sa ikatlong anibersaryo nito.
Napangiti si Fr. Larry sa idea.
“Gusto ba ng ng Inay Maria ng mamahaling korona bilang parangal sa kanya o sapat na ang koronang bulaklak na habi sa mga pinakamagagandang bulaklak sa kaparangan?”
Ito ang tanong ng pilit nagsusumiksik sa aking isip at puso habang naghahanda sa nalalapit na parangal ng Canonical Coronation ng Mahal na Birhen ng Aranzazu noong taong 2017. Kung bakit ito pumapasok sa isip ko noong panahong iyon? Iniisip ko lang kung matutuwa ba ang mahal na Ina sa materyal na bagay gaano man ito kamahal? Mahilig ba siya sa ginto o magagandang palamuti?
Tanggap naman na ito ay isang bagay na medyo hindi praktical at that time. Ang tanong ko is more on the spiritual side of it at hindi naman ito ma-eentertain ng karamihan. May guilty feeling lang siguro ako kung ang pagbabasihan ay ang panglabas na nakikita. I remember that I even mentioned that to our then parish priest, the late Rev. Fr. Larry Paz. He just smiled at the idea dahil alam niyang malayo ito sa hinahangad ng nakararami.
Reflecting on the humility of the Blessed Virgin, I remember one bishop said, the Mother of Jesus would not want anything material upang siya ay matanyag o mabigyang papuri. Hindi niya ito gusto, at actually, hindi niya kailanman kinailangan. Nothing compares to the favour Mary has found in God, being chosen as the bearer of the Son of God. Ang pinakamahalagang koronang maaring matanggap ng isang nilalang ay naigawad na ng Diyos sa kanya at walang anumang bagay ang kayang itumbas ng sangkatauhan dito ang maari pang magtaas sa kanyang pagiging espesyal. Ang kanyang kababaang-loob ay hindi matatawaran that she would not even conform to expensive adornment the faithful is trying to adorn into her images. Even during the public life of Jesus, she was not even a stage mother and always worked behind the scene. Nang mapanood ko ang “The Passion of the Christ” na movie, and witnessed the scenes with Mother Mary at ang kanyang tahimik na pagluha sa pagtanaw at pagsubaybay habang ang kanyang Anak ay nagpasan ng at naipako sa Krus, I was moved into tears by her love, courage, submission and faith to the will of God. Truly, ang KORONA ng pagpapala ng Diyos kay Maria ay hindi mapapantayan.
Actually, that was just a silent reflection. May higit na mas malalim na kahulugan ang pag-aalay ng Korona ng sambayanan sa Mahal na Birhen ng Aranzazu. Ito ay ang pusong puno ng pagmamahal ng sambayanan sa Inang Birhen ng Bayan ng San Mateo.
Sa mga salita ni Fr. Kentenich, “all love crowns,” lahat ng totoong pagmamahal ay nakakakita at nagpapahalaga kung ano ang mabuti at maganda sa isang tao. To crown the Blessed Mother, to honor her wonderful greatness as the Theotokos, God bearer or the Mother of God, opens us more and more to see her image and the features of Christ in ourselves and others.
Mama Mary is Christ’s greatest masterpiece, His most perfect work. Si Maria ay Kanyang naihanda at itinaas bilang kanyang Ina, the mother of the King simula ng siya ay Kanyang piliin.
So don’t worry of loving Mary too much, sapagkat hindi mo mahihigitan ang pagmamahal sa kanya ng kanyang anak, ang ating Panginoong Hesus.