Nanawagan ang Pangulong Duterte na huwag muna tayo magdiwang ng Pasko ngayon taon dahil sa pandemya na Covid-19. Ang ibig sabihin ay huwag munang magkakaroon ng mga pagtitipon para hindi lumaganap ang virus. Marami kasi sa atin ang di naisasabuhay ang safety protocols tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield at hindi gaanong naghuhugas ng kamay. Hindi pa rin natatapos ang covid-19 kahit may mga nababalitaan na tayo na mayroon na mga bakuna kontra dito. Still we do not let our guards down. Mahirap na mahawa ng sakit na ito nakamamatay. Kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Better be safe than sorry.
Wala na rin ba ang pagdiriwang ng bagong taon? Ang payo kasi ng DOH ay hanggat maaari ay huwag na gumamit ng torotot at huwag na magpaputok. Kill joy ba ang mga namumuno sa atin? Hindi naman. Ang gusto lang nila ay malayo tayo sa ano nang panganib na maaaring idulot ng mga ito.
Tuloy pa rin ang pasko kahit umulan at bumagyo. Kahit napakarami natin karanasan na paghihirap sa taon na ito na tila malas ang 2020 tuloy pa rin ang takbo ng buhay. Magdiriwang pa rin tayo ng pasko di man magarbo. Kahit konti ang mga parol, belen , Christmas tree, regalo, bonus, at pagkain. Di man magkaroon ng bagong damit, sapatos, laruan, mga gadgets tulad ng celphone, laptap, at iba pa. Di man magkakaroon ng keso de bola , lechon, hamon, litsong pabo , maraming prutas, at iba pa. Ang pasko ay pasko. Ang pagdiriwang ng pagkakatawang-tao ng Diyos upang Siya ay makiisa at makiramay sa atin. Tinanggap Niya ang ating abang situwasyon at katatuyuan sa buhay- ang ating kalagayan. Ito ang dakilang pagmamahal ng Diyos sa atin. Inspite of everything God loves us so much. His love is unconditional. He took the initiative to do this act. Therefore, this is the time for gratefulness for the blessings received. Christmas is the time to reach out to our desperately-in-need brothers and sisters in this challenging times of their lives. Christmas is a time for giving and sharing, generously and cheerfully. Christmas is the time for renewed hope that a much better year awaits us brightly on the horizon.
Kaya huwag ka na malungkot kung wala kang bagong damit, sapatos, celphone, laruan , appliances at iba pang nasa wish list mo ngayon pasko. Ang mahalaga ay buhay pa tayo. Ang mahalaga ay mayroon pa rin nagmamahal sa atin. Ang mahalaga ay mayroon pa tayong pagkakataon na harapin ang mga bagong hamon at pagsubok sa buhay. Mayroon pang bagong liwayway naghihintay sa atin sa dako pa roon. Harapin natin na punong- puno ng pag-asa at pagtitwala sa Diyos.