Sa pagbasa ngayong araw na ito ay tinalakay ang Genealogy o ang kasaysayan ng pinagmulan ni Hesus. Ang kabanalan ni Hesus ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng kanyang mga ninuno ay siya ring mga banal. May mga iilan dito na maituturing ding makasalanan sa kanilang panahon tulad na lamang ni Haring David.
Sa panahon ni Hesus ay tinibag nya ang mga namamagitan sa mga babae at mga lalaki, tinibag nya ang namamagitan sa banal at mga hintil at higit sa lahat ay tinubos nya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan.
Ano ang mensaheng nais iparating ng pagbasa ngayong araw para sa ating lahat? Ipinagdiriwang natin ang panahon ng Kapaskuhan dahil tayo ay nasasabik sa muling pagbabalik ni Hesus at dapat lamang na tayo ay magalak dahil sa kanyang pagbabalik ay nasirang relasyon ng sangkatauhan sa Diyos. Ang pagbabalik ni Hesus ang magpapakita at magpaparamdam satin ng tunay na pagmamahal ng Diyos sa ating lahat at higit sa lahat, upang gawin ang mundo bilang isang mundong mas nakabubuti para sa lahat.
Si Hesus ay pumayag na maging tao tulad natin upang maisakatuparan ang lahat ng ito at sa kanyang pagbabalik, tayo ay makahahanap ng pag asa at ang pag ibig sa ating mga puso ay mapapanibago. Sa araw araw ay sikapin natin na maghari sa ating mga puso at buhay ang pag ibig sa Diyos at pag ibig sa ating kapwa upang tayo ay maging karapat dapat sa kanyang mga sakripisyo.