Life and Death amid Pandemic

Photo credits: Media and Public Information Ministry

It’s been months since all of us were locked down in our homes to avoid the virus transmission. The setting was very unusual. Sino bang mag-aakala na mangyayari ito sa atin? Normal naman ang lahat noong nagsimula ang taon. Everybody was happy when this year started, pero ang hindi alam ng lahat, mababago ang buhay natin pagdating ng March. Since the news about this deadly virus spread out, sobrang natakot na tayo.

Takot tayong mahawa. Takot tayong hindi na bumalik sa dati ang lahat. Takot din tayong mamatay. Hindi natin alam kung san matatapos ito o kahit ano ang mga susunod na mangyayari. Hindi na tayo makalabas ng ating bahay. Nakaabang lang tayo lagi sa balita tungkol sa paglobo ng kaso ng COVID-19 pati narin ang mga namamatay dito.

Death.

Simula nang nagkaroon ng pandemic, naging common na ang salitang yan para sa ating lahat. Sinusukat nalang ng mga tao ang kamatayan sa mga numero. “Ay twelve deaths lang sa ganitong lugar, buti kaonti lang”. Twelve deaths ‘LANG’ naman diba? Napaka daling sabihin nyan kung isa ka lang sa mga taong nag-aabang sa datos ng DOH. Pero naisip mo ba kung ano ang naramdaman ng pamilya ng labing dalawang iyon? Paano kung magulang mo, kapatid mo, o kaibigan mo ang isa sa labing dalawang iyon? Masasabi mo bang ‘LANG’ lang ang buhay ng labing dalawang tao?

I’ve been through a deep reflection about life and death, how these two words relate with each other. Weird. Death is taboo for a lot of people. Kapag kamatayan na ang topic, iniiwasan ito ng maraming tao. Maybe they can’t face the reality na doon din pupunta ang lahat ng tao. Ang sarap nga namang mabuhay, bakit kamatayan ang pag-uusapan diba? Pero dapat na tumatak sa atin na death is our reality. Death is inevitable.

One night, nakita ko yung Nanay ko na may ka video chat, isang malapit na kaibigan daw. Ayon sa kwento nung kaibigan ni Mama, bigla daw inatake ang Nanay nya. Bata pa iyon, around early 40’s lang siguro. Walang kahit anong sakit, walang kahit ano. Kaya sobrang nagulat yung anak nya, kung bakit biglang ganun yung nangyari. Hindi pa nakukumpirma noong mga panahong iyon kung COVID-19 ba ang kinamatay dahil matagal pa lumabas ang resulta ng Swab test, nauuna pa ang libing kaysa sa resulta.

Habang nag-uusap sila, nakikinig lang ako. I heard her cried with sorrow. “Ni hindi pa kami umaasenso sa buhay. Hindi ko pa nararating yung dapat kong marating. Hindi ko pa sya nadadala sa Japan, nawala na sya.”, that line really broke my heart. Doon nag sink in sakin na sobrang hirap pala mawalan ng minamahal sa buhay lalo na kapag unexpected. Nakakapanghina. Nakakalungkot at the same time.

This November, my grandfather died because of Emphysema. Matagal na syang may ganitong sakit. Matagal narin syang bed ridden. Wala kami masyadong memories ni Lolo dahil mas naging malapit ako sa father side ko. Pero hindi matigil ang luha ko habang pinapakinggan ang Eulogy nila Mama at Tita para sa kanya. May hint na sila noon pa na malapit nang mawala si Lolo. Hirap na hirap na sya sa tubong mga naka kabit sa kanya. Habang ini-imagine ko lahat ng pain and sacrifices na ginawa nya para sa kanyang mga anak sobrang nakaka habag. Deep inside, may regrets ako na sana naging malapit man lang kami kahit sa mga huling oras. Sana naka usap ko man lang sya nang maayos kahit hindi na nya kayang tandaan ang pangalan ko. Napaka sakit mawalan ng minamahal sa buhay.

Kapag namamatayan tayo lagi nating tinatanong kung “bakit?”. Ngunit noong nawalan kami ng isang miyembro ng pamilya ay iba ang natanong namin: “Bakit sa gitna pa ng pandemya?” Una sa lahat, iisipin ng mga tao na baka COVID-19 ang ikinamatay kahit hindi naman. Pangalawa, ito yung panahon na kailangan mo ng taong masasandalan kase nawalan ka ng isang mahal sa buhay, pero wala kang masandalan dahil bawal kayong magdikit, ni bawal ngang lumabas. Ang karamihan nga ay hindi nila nakikita ang mga yumao hanggang sa ma cremate ito dahil kahit sila rin mismo ay naka-quarantine. Hindi man lang natin magawang magtipon upang alalahanin ang taong nawala.

Masakit. Napaka sakit. Sa lahat siguro ng problemang ibinigay ng pandemyang ito, ang kamatayan ang pinaka malala sa lahat. Hindi na ito kayang solusyunan, hindi kayang maibalik ang buhay na nawala. Ang nararapat nalang na gawin ay tanggapin ang lahat at maniwalang naaayon ito sa plano ng Diyos para sa atin.

Death.

Natural ang kamatayan sa ating lahat. Dapat ba itong katakutan? Habang nakikinig ako sa lesson ng death sa aming CLE at Philosophy class, may mga bagay akong napagtanto. Una, ang kamatayan ay ibinigay para sa mga tao upang maisip nila kung gaano kahalaga ang buhay na panandaliang ibinigay sa atin ng Panginoon. Pangalawa, ipinapaalala sa ating lahat na puro pagmamahal nalang dapat ang umiral sa atin at kalimutan na ang galit at inggit sa ibang tao. Hindi natin alam kung sa kinabukasan ba ay kumpleto pa ang ating mga mahal sa buhay o wala na, nasa huli lagi ang pagsisisi.

“Live like it is always the last day of your life.”, ngayon palang ay gawin na natin ang lahat ng mga bagay na nakakapag pasaya sa atin. Kung mahal natin ang isang tao, sabihin mo sa kanya, iparamdam mo. Maikli lang ang buhay. Huwag natin paabutin sa puntong masasabi natin sa ating sarili na “ Sana ginawa ko to” “Sana nasabi ko sa kanyang mahal ko sya”, gaya ng nangyari sa akin, dahil hindi mo na pwedeng ibalik ang oras. Sa isang kisap mata lang ay pwedeng magbago ang lahat, kaya gawin mo na ang mga dapat mong gawin, live like it is always the last day of your life and realize how precious life is.

 

 

Social Media Comments