Fr. Bembol Hiteroza

Ngayon ay eksaktong tatlong taon na ako dito sa parokya ng Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal. Maayos at mabiyaya ang paglagi ko dito. Mababait, relihiyoso, at mapag-bigay ang mga parokyano. Masaya ako dito at magaan ang aking pamamahala sa parokya dahil sa mga kasama kong pari at masisipag na opisyales ng sangguniang pamparokya at mga manggagawa ng Simbahan. Kung baga ay hindi sumasakit ang aking ulo sa pama- malakad at pamamahala sa parokya. People are cooperative and understanding. I’m so happy for this assignment. Sa totoo lang, lahat naman ng assignment ko ay masaya ako. Lahat ng hinawakang kong parokya ay natapos ko ang aking term.

Sa unang parokya na ipinamahala sa akin ay binigyan ako ng limang taon ni Bishop Gungon sa Christ the King Parish sa Muzon, Taytay, Rizal. Sabi ni Bishop Gungon sa akin noon, “gusto mo pa ba ng another 5 years dito? ” Ang sagot ko kay Bishop Gungon, ” ilipat niyo na lang po ako bishop sa ibang parokya” (1994-1999 ).

Ang pangalawang parokya ay sa Holy Family Parish sa C.M. Recto Street, Parang, Marikina City (1999-2006). Bale 7 years ako sa parokya.

Ang sumunod ay sa St. Jerome Parish, Morong, Rizal (2006-2012). Dito 6 years ako.

Pagka- tapos ang sumunod ay sa Nativity of Our Lady Parish sa Industrial Valley Complex sa Marikina City (2012-2018). Almost 6 years din ako dito.

Finally, dito sa DSPNSDA, sa San Mateo from February 26, 2018 hanggang sa kasa- lukuyan. Kaso , isang taon pa lang ako dito ay may tsismis na ililipat na ako. Ngayon 3 years pa lang ako ay mayroon na naman ugong-ugong na kasama ako sa susunod na lipatan sa darating na October or November.

Papaano ako magkakaroon ng emotional stability kung laging may mga taong may wild o fertile imagination para gumawa ng mga ganitong kuwento. Are there some dark forces behind all these? Are there people who wanted to manipulate? I leave my fate to God if that is my destiny. I just wanna serve the people and I am not ambitious enough to cling at something else. I was born as a simple person and I’ll remain as one.

Meanwhile, I’ll do my best to perform well in my ministry. I hope and I pray that things will go smoothly and no hazzle at all along the way. El hombre propone pero Dios despone. I lift up to you , O Lord, Your will be done!

 

 

Social Media Comments