Misa mula sa Parokya ng Sta.Rosa De Lima para Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen
Dalawang tao. Dalawang klaseng pagmamahal. Ito ang makikita natin sa Mabuting Balita.
Una, si Maria. Siya ay kapatid ni Lazaro at ni Marta. Sa pagdating ni Hesus, kinuha niya ang mamahaling pabango at inilagay iyon sa paa ni Hesus. Ibinigay niya kay Hesus ang “the best.” Sa kultura nang mga Hudyo, mga alipin lang ang gumagawa noon. Alipin lamang ang naghuhugas ng paa nang ibang tao. Pero ito ang ginawa ni Maria. Pinunasan pa niya ito nang kanyang buhok.
Hindi man alam ni Maria, inihanda na rin niya ang darating na pagkamatay ni Hesus. Sa pagkamatay ni Hesus, wala ng panahon para ayusin ang kanyang bangkay kaya nga ang paglalagay ng pabango ni Maria kay Hesus ay isang pangitain ng kung anong mangyayari kay Hesus. Mahal niya si Hesus kaya ginawa niya ito.
Sa kabilang banda, nandun naman ang pagmamahal ni Judas. Minahal lamang niya ang sarili. Sa unang tingin parang maganda ang kanyang kagustuhan na ipagbili ang mamahaling pabango at ibigay ang pinagbilhan sa mga mahihirap. Ngunit ang tunay niyang dahilang ay sapagkat gusto niyang kunin ang perang mapagbibilhan. Ginagamit niya si Hesus upang magkaroon siya nang maraming pera. Ginagamit niya ang mga mahirap upang siya ang makinabang.
Si Maria tunay niyang mahal si Hesus. Si Judas mahal lamang niya ang kanyang sarili.
Sino ka sa dalawa? Si Maria o si Judas?
Ngayong mga Mahal na Araw sana maging tunay ang ating pagmamahal para kay Hesus. Nagsasakripisyo tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabait tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabuti tayo sapagkat mahal natin si Hesus. Tumutulong tayo sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap dahil mahal natin si Hesus. Sa lahat nang ating ginagawa sana ang dahilan ay ang pagmamahal kay Hesus.
Ibigay natin ang the best para kay Hesus!
Social Media Comments