Halos gabi- gabi ako ay naglalakad sa patyo at habang naglalakad ako ay nagdadasal ng rosaryo. Ngunit kagabi kahit ako ay naglakad di naman ako nagdasal kundi ako ay nakinig sa FM radio. Tamang – tama naman pagkataposang tugtog ay nag- usap ang dalawang dj at nagtanong ng ganito: ” Ano ang naalaala mo noong nakaraang taon simula ng magkaroon ng hardlockdown o quarantine at ano yung mga pagbabago?” Alam natin na may naidulot ito sa ating buhay. Ang iba ay naging creative. Ang iba ay naging mahilig sa pagbabasa ng mga pocketbook. Naging plantito o plantita ang iba. May naging mahilig sa tiktok. Libangan naman ng iba ay manood ng netflix. Mayroon din naman nageskpermento sa pagluluto tulad ng sardinas – hindi lamang ginisa, nilagyan ng itlog, adobo, apritada, sinigang, at iba pa.
Ako ang natatandaan ko ay hindi ako marunong gumamit ng facebook. Ngunit dahil sa lockdown ay natuto akong gumamit ng mass media: Facebook, Messenger, Viber, at iba pa. Nakakapagpost na ako ngayon ng aking mga reflection. Mayroon din namang mga positibong nangyari.
Yan ang mga pagninilayan natin ngayong araw, ang patungkol sa memory at transformation. Sabi ng ating Panginoong Hesus: “Do this in memory of me.” (1 Corinthians 11:24). Sa Psychology, ganito ang sinasabi, “Memory is the ability to take information, restore it, and recall it at a later time.” Ang sinabi ng ating Panginoong Hesukristo ay may elemento ng nakaraan, kasalukuyan ,at hinaharap.
May limang salita na nagsisimula sa letter R na may kaugnayan sa memory o pag-aalaala
1) Recalling = muling ibalik o balik-tanaw
2) Rekindling = muling pag-alabin ang kamalayan
3) Reenactment = sariwain sa pamamagitan ng pagganap nito
4) Reliving = isabuhay uli, at ang
5) Retaining and doing it continuously = panatilihin at ipagpatuloy
Ang ginawa ni Hesus sa huling hapunan at yan ay walang iba kundi ang eukaristiya o ang misa. Mahalaga ang pag- aalaala kaya tayo ay nagdiriwang ng mga anibersaryo, kaarawan, reunion at iba pa katulad ng pagdiriwang natin ng 500 years ng Christianity. Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sa gift of memory. Ayaw natin na magkaroon ng Alzheimer’s disease. Pag ulyanin ka na hindi mo na maaalala ang maraming bagay.
Ang ating Panginoong Hesus kasama ang iba pang mga hudyo ay taon- taon ay inaaala nila ang Paskuwa (passover), ang pagliligtas na ginawa ni Yahweh na pagpapalaya sa mga Israelita mula sa pang-aalipin sa kanila sa kamay ng mga Ehipcio. Ang pagdiriwang na ito ng ating Panginoon ay siya na rin kanyang huling hapunan na ipinagpapatuloy naman natin ngayon sa misa.
Ano naman ang mga pagbabago o transformation na ginawa ni Hesus? Sa huling hapunan ginawa ni Hesus ang tinapay at alak para maging regalo noong basbasan niya para maging pagkain na nagbibigay ng buhay na walang hanggan (from object to gift), bread that will give us eternal life. He himself, the bread from heaven . Pangalawang pagbabago (from master to servant). Ipinamalas ito ng ating Panginoong Hesukristo noong hugasan niya ang mga paa ng mga apostoles na tanda ng paglilingkod at kababaan ng loob. Ang pangatlo, ( from one to all), mula sa sariling buhay ay ibinuwis para sa lahat. Jesus’ life shed to all.
Saan natin ginagamit ang ating gift of memory? May nababago ba sa atin na pag- unlad lalong- lalo na sa relasyon natin sa Diyos, sa ating kapuwa , at sa ating sarili? Nawa ang mga panahon na ito ay lalo tayong maging mabubuting tao at mapagmahal.