Dapat pa rin tayong magalak at magsaya dahil sa atin ay namatay ang Panginoong Hesus ngunit Siya’y muling nabuhay. We are an Easter people ang alleluia is our song.
Happy Easter to everyone! May kasabihan sa Latin na ganito:”LUCTOR ET EMERGO.” Sa English ay ganito, “I have to struggle but always stay affloat.” Ang ibig sabihin sa literal ay, ako ay nagtitiyaga para manatiling nakalutang. Sa madaling salita, hindi sumusuko, hindi umaayaw. Sapagkat ang umaayaw ay di nagwawagi.
Ganito ang napanood ko sa YouTube tungkol sa buhay ng isang paslit na si Dave na batam- bata ay nakaranas na ng katakot- takot na hirap at sakit. Noong nag-away ang kanyang mga magulang at naghiwalay, siya ay pinalayas. Mabuti na lang na may isang tao na kumupkop sa kanya ngunit siya pa rin at nagtrabaho bilang kargador sa umaga at karkagador sa gabi. Mas malalaki pa sa kanya ang kanyang binubuhat. Hanggang nakilala siya ng isang taong nag- malasakit sa kanya. Naranasan niya ang tina- tawag na misteryo paskuwa, ang pagpapaka- sakit, kamatayan at muling pagkabuhay. Minsan nararanas din natin ito sa ating buhay.
Noong bata- bata pang akong pari ay madalas ako ay naging Spiritual Director ng M.E. (Marriage Encounter), marami akong na- saksihan na mag- asawahan na tila nakaranas din ng Paschal Mystery, ang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay na naganap sa kanila. Ang mahalaga ay nabuhayan na muli at nagkaroon ng pag-asa, ng panibagong buhay.
Habang tayo ay nabubuhay ay patuloy pa rin tayong umasa. Yan ang mensaheng hatid ng muling pagkabuhay. Ang ating Panginoong Hesukristo ay nagapi niya ang kasamaan at kamatayan sapagkat Siya ay muling nabuhay. Sabi ni San Pablo sa mga taga- Corinto ay walang kabuluhan ang ating pananampalataya kung hindi tayo naniniwala na si Kristo ay nabuhay na muli. What for? Bakit pa tayo nag- dadasal, bakit pa tayo nagsisimba? Si Kristo ang ating buhay at muling pagkabuhay. Siya ang magbibigay sa atin ng kaluwalhatiang walang hanggan.
Kaya kahit tayo ay nahaharap sa maraming pagsubok sa buhay ay dapat tayo magpaka- tatag. Sabi ni Seneca na isang Roman Philo- sopher, “As long as you live, keep learning how to live.” Ika nga, life must put forward. Gayon din naman kahit na tayo ay napapagod na sa mga quarantine dala ng covid-19 ay patuloy pa rin tayong makibaka at magpunyagi. Maging positibo pa rin ang ating pananaw sa buhay sapagkat sinasabi na ang negatibong pag- iisip ay nakasisira sa atin. ” Negativity damages our immune system.” So laban pa rin tayo sa hamon ng buhay katulad ni Dave na kargador. Sabi nga ni Marie Curie , nobel prize winner sa Physics at Chemistry na siyang nakadiskubre ng “Radium” at napakarami rin pinagdaanan sa buhay sa larangan ng kanyang propesyon at kalusugan, “Huwag patatalo o pagagapi sa mga pangyayari o sa mga tao.” (Never to let one’s self be beaten down by events or persons). Sabi pa rin niya , “The overwhelming challenges I faced no longer devastated me. Fear of my future gave way to a determination to do something with my life. My life had purpose. Hopelessness was transformed into hope.”
Ganon din dapat ang maging saloobin natin bilang mga Kristiyano na punong- puno ng pag-asa sapagkat sa dako pa roon ay may naghihintay na liwanag. Dapat pa rin tayong magalak at magsaya dahil sa atin ay namatay ang Panginoong Hesus ngunit Siya’y muling nabuhay. We are an Easter people ang alleluia is our song. Mabuhay ang ating Panginoong Hesus na nabuhay na mag uli! Mabuhay!