Religious Experience

Ang natatandaan ko noong bata pa ako ay isinasama ako ng nanay ko sa bayan para mamalengke sa araw ng Miyerkoles o Linggo. Bago pumunta sa pamilihan ay tuloy muna sa Simbahan para magsimba o magdasal. Tuwing ako ay pumapasok sa simbahan ay iba ang aking pakiramdam. There’s peace and a sense of wonder and awe. Panatag ang aking kalooban at ako ay masaya. Gustung gusto ko lagi pumunta sa simbahan na noon ay hindi ko pa alam kung ano ang naroon. Parang ang pakiramdam ko noon ang simbahan ay isang kanlungan. The church as sanctuary. Di ko pa alam kung ako ay tinatawag para maging lingkod ng Panginoong Diyos.

Noong ako ay nasa first year high school, ako ay nag-aral sa Quezon City at ako ay nakitira sa aking panganay na ate. Tuwing araw naman ng Linggo ako ay nag-iisa na pumunta sa Quiapo Church o sa Sto. Domingo church sa Quezon city para magsimba. Di ko alam bakit ang lakas ng loob ko na pumunta na mag-isa bagamat di ako sanaysa Maynila at ako ay batambata pa. Malaki ang aking paniniwala na di ako pababayaan ng Diyos.

Kami noon ay nakatira sa looban, isang squatter area sa Roosevelt Avenue, Quezon City. Sa looban ay sari- sari ang tao. Minsan may mga nag-aaway kaya talagang ikaw ay magdarasal para malayo sa anumang kapahamakan. If God is with us , who can be against us? Tunay nga po na ika’y kakapit lagi sa Diyos.

Ikaw, kailan mo naranasan ang presensya ng Diyos o kailan ka unang nagkaroon ng karanasan pangrelihiyoso? God manifest Himself to us in different ways. In His love He is constantly trying to reach us, lead us, guide us.

Always He wants to bless us, use us, love us with the wonders of His love.

 

 

Social Media Comments