Cross

Tuwing Huwebes Santo, ating inaalala
Si Hesus na pagpapakumbaba ang ipinakita
Mga paa ng kaniyang alagad ay hinugasan
Handa siyang sila’y pagsilbihan

Para maisabuhay ang ipinakita Niyang katangian,
Naglilingkod tayo sa kapwa, bayan, at Diyos sa iba’t ibang paraan
Hangga’t maaari, sila’y pinagsisilbihan
Tumutulong tayo ayon sa ating kakayahan

Sa pagsisilbi sa kapwa, kinikonsidera natin sila bilang kabahagi natin
Sa pagsisilbi sa bayan, kumikilos tayo para sa katotohanan, katarungan, at kalayaan
Sa pagsisilbi sa Diyos, sinusunod natin ang Kaniyang mga utos
Ang mga gawaing ito ay nagpapakita ng pagmamahal
Kaya kapag tayo ay nagsisilbi, tayo rin ay nagmamahal
Nakakayanan nating magsilbi dahil alam natin paano magmahal

Ang pag-ibig ay hindi lamang dapat naririnig
Ito ay higit pa sa mga salitang kayang bigkasin ng bibig
Ang pag-ibig, para tunay na maramdaman, dapat itong maipakita
Gaya ni Hesus, sa pamamagitan ng paglilingkod, pagmamahal nati’y maaaring maipadama sa iba

 

 

Social Media Comments