A great sign appeared in the sky, a woman clothed with the sun, with moon under her feet and on her a crown of twelve stars. She was with child and wailed aloud in pain as she labored to give birth.
Revelation 12:1-2
Madalas nating makikita sa mga imahe ng Mahal na Birheng Maria ang labing dalawang bituing korona sa kanyang ulo o kadalasan ito ay lumalagpas pa. Ang tanong ay nasa banal na kasulatan ba ito o wala? Ano nga ba ang sinisimbulo nito?
Makikita natin sa Aklat ng Pahayag kay Juan ang mga Katagang “May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan, at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin. Nagdadalan-tao siya at sumisigaw sa pagdaramdam sa panganganak.”
Ayon sa nakagawiang tradisyon ng simbahan at sa mga dalubhasa sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan, dito hinalaw ang labing dalawang bituin na korona ng Birhen sapagkat siya ang inilalarawan sa pangitaing iyun bilang siya ang Ina ng Diyos at ng mga disipulo.
Gayun pa man ang mga bituing ito rin ay sumisimbulo una, sa labing dalawang Tribo ng Israel (Awit ni Solomon 21:12) at sa labing dalawang disipulo ni Hesus. Kaya naman tuwing ating makikita ang Koronang ito sa ulo ng ating Mahal na Ina, naway magsilbing paalala ito sa atin na si Maria biang isang Reyna ay isa ring ina, ina nating lahat at ina ng Simbahan.
Ikalawa, ang tagumpay ni Maria ay magiging tagumpay rin natin kung ating pakikinggan at susundin ang Kalooban ng Diyos tulad ng kanyang ginawa.
Ikatlo, ang labing dalawang bituing korona na ito ay sumisimbulo sa kanyang pamamagitan lalo na sa atin bilang mga hinirang ng Diyos na kanyang maging bayan, makakaasa tayo lagi sa kanyang panalangin, maka-ina at mapag-arugang pagmamahal.
Ad Iesum per Mariam. (Jeremy Josef)