Read Rev. Fr. Ric Eguia’s homily during the Christmas Eve mass held at Our Lady of Aranzazu Parish, December 24, 2022.
Dumadaan tayo sa mga karanasan na kung minsan ay parang patong-patong at sunod-sunod ang mga problema’t mga pagsubok sa buhay at naitatanong tuloy natin, “natutulog ba ang Diyos? Nakikinig ba siya sa ating mga panalangin?” At kung minsan nama’y kumikilos nga ang Diyos pero para bagang wrong timing, ano? Parang wrong timing. Maaaring too late.
Gaya halimbawa sa karanasan ng mag-asawang si Zacharias at Elizabeth. Matagal silang humihiling sa panalanging bigyan sila ng isang anak upang mawala ang kanilang kadustahan. At maaaring di na sila umaasa dahil matanda na sila, lipas na sa edad ng panganganak si Elizabeth. Saka naman pinagbigyan ang kanilang panalangin. Saka pa naglihi at nagsilang ng anak na lalaki si Elizabeth.
Gayundin sa buhay naman ng ikakasal na si Jose at si Maria. Nakatakda na silang ikasal. Syempre may plano na rin sila sa kanilang magiging buhay mag-asawa nang dumatingnaman ang anghel Gabriel upang ibalitang si Maria ang magiging ina ng anak ng Diyos na magkakatawang-tao. So syempre, nabago na naman. Nasira na naman ang plano ng mag-asawa. At maging ito si Jose, ‘no? Syempre may plano din siya subalit ayun, tinanggap niya ang kalooban ng Diyos na hindi niya alam, na sa pamamagitan niya, ang anak ng Diyos ay mapapabilang sa angkan ni David.
At ngayon sa ating narinig na ebanghelyo, kumilos ang Diyos sa isang paganong hari, si Emperador Agusto na nagpasyang lahat ng nasasakupan ng emperyo ng Roma ay kailangang umuwi sa kanilang bayan upang magpatala. Ang hindi niya alam, kumikilos ang Diyos sa kaniya upang maisakatuparan ng Diyos ang kaniyang plano ng kaniyang anak na isisilang ni Maria ay isisilang sa Bethlehem. Masasabi nating wrong timing na naman ito sapagkat nang ipag-utos ito, si Maria ay malapitnang manganak. Sabi sa ebanghelyo, kagampan. Kaya lamang, utos ng hari, hindi pwedeng mabali. Kaya nga ang mag-asawa, bagama’t kabuwanan na ni Maria, walang nagawa kung hindi maglakbay. At hindi natin alam, akala natin ganun kadali, subalit ang ginawang paglalakbay, ang layo ng Nazareth patungo sa Bethlehem na kung lalakarin natin ngayon, bulubundukin, sobrang lamig sa gabi, sobrang init sa tanghali. Maaaring ito’y nilakad nila ng 5 days. Kaya niyo ba yun? Maglakad sa disyerto nang 5 days?
So ganun pa man, pagdating nila doon sa Bethlehem, syempre ang dami-daming tao, mga katulad nila ang nagpunta roon para magpatala. Ayun, wala na silang matuluyan. Nakakita sila ng yungib at doon sa sabsaban, isinilang ang anak ng Diyos. Naging katuparan ang lahat ng sinasabi ng mga propeta. Nagingkatuparan ang plano ng Diyos.
So mga kapatid, ang anak ng Diyos at pumasok sa kasaysayan ng tao. Nakipamuhay sa atin. Naging tao. Kaya lamang, isang malaking katanungan, magiging tao din lamang ang anak ng Diyos, bakit kaya, pwede naman siyang isilang na anak ng hari, pwede naman siyang isilang na makapangyarihan, hindi ba? Pwede naman siyang isilang na maraming sundalong poprotekta sa kaniya subalit hindi. Talagang hinubad ng Diyos ang kaniyang pagiging Diyos. Nakipamuhay sa mga tao, hindi lamang sa mga tao kung hindi sa mga dukha. Pinili niya ang mahirap na mag-asawa, si Maria at si Jose. Si Jose na isangkarpintero. Pinili niyang makipamuhay sa mahihirap.
At nang isilang ang anak ng Diyos, kanino siya unang-unang nagpakilala? Sa mga hamak, sa mga yagit na mga pastol. Talagang pinili talaga ng Diyos na isilang at makipamuhay samga mahihirap upang ipahiya ang mga makapangyarihan, upang itanghal ang mga mabababa ang loob.
So ganyan ang Diyos. Katangiang hinahanap, kababaang-loob. So sino man sa atin ang nais na maglingkod at sumunod sa Panginoon, kababaang-loob ang dapat nating matutunan.
Isinilang ang Panginoonsasabsaban. Kung titignannatin, ang sabsaban ay hapag-kainan. Hapag-kainanito ng mgahayop, mgahayop.
Alam niyo mga kapatid tuwing tayo ay nagdiriwang ng banal na misa, isinisilang din si Kristo sa ating piling. Sa hapag-kainan na tinatawag nating altar. Altar table. Isinisilang ang Panginoon sa banal na eukaristiya. Tandaan natin mga kapatid, minsang isinilang si Kristo bilang tao at iyon ay hindi na mauulit. Subalit nais niya na siya’y isilang palagi sa ating puso. Nais ng Panginoon na ang ating puso ang maging bagongsabsaban upang si Kristo ay isilang sa ating puso. Sapagkat siya, ang pag-ibig ng Diyos, ay nais maghari sa puso ng bawat tao.
Kaya nga mga kapatid, sa araw na ito na talagang pinaghandaan natin ito. Apat na linggo sa panahon ng adbyento, siyam na gabi ng simbang gabi, ngayon heto na. Kaya magandang suriin natin ang ating sarili, ano? Inihanda ba natinang ating puso? Tinalikuran na ba natin ang ating kasalanan? Nakipagsundo na ba tayo sa ating mga kaaway? Sapagkat ayun ang tanging paraan upang si Kristo ay isilang sa ating puso at maging isang ganap sa ating pamumuhay.