“In the Kingdom of God it is like this: a man scatters seed upon the soil. Whether he is asleep or awake, be it day or night, the seed sprouts and grows, he knows not how.”
Mapalad ba yung mga may jowa o yung wala? Pag may jowa ka may magdedemand sa iyo, may magche-check kung saan ka pumupunta, may magagalit sa iyo pag di ka agad umuwi galing work…Pero pag wala kang jowa sino ang hahawakan mo ng kamay habang namamsyal sa mall?
Mapalad ba yung mayaman at maraming ari-arian? Pag mayaman ka baka ma-stress ka kung panu mo ito babantayan at baka manakaw. Baka ito pa ang dahilan ng pag-aaway ng mga anak mo kung sino ang magmamana. Pero pag wala ka namang yaman panu mo mapupunan ang iyong pangangailangan?
Mapalad ba yun maraming pagkain? pag marami kang pagkain ikaw ay tataba…ang hirap kaya magpapayat sa panahong ngayon. Baka ang pagkain pa ang magdala sa iyo ng sakit na high blood at diabetes. Pero pag wala kang pagkain magkakasakit ka din.
Hwag kang maliligaw sa turo ni Hesus na totoong mapalad. Nasa ikalawang bahagi ng mga pangungusap ang diin ng kanyang turo.
Paghihirap. Mahirap ang maging mahirap. Hindi gusto ni Hesus na ikaw ay maghirap. Ang gusto niya ay managana at umunlad. Hindi ina-idealize ni Hesus ang kahirapan katunayan niyan ay ipinangako niya ang kanyang kaharian na isang piging kasama ang Diyos. Mapalad ang mga mahihirap sapagkat hahanguin na ang mga nagdarahop at mapapasama sa pamilya ng Diyos.
Pag-iyak. Kelan ka huling umiyak at sino ang nagpaiyak sa iyo? Noon ang mga magulang ang nagpapaiyak sa mga anak, ngayon mga anak na ang nagpapaiyak sa mga magulang. Dati mga pinapaiyak ng mga guro ang mga estudyante, ngayon mga guro na ang umiiyak dahil sa katigasan ng ulo ng mga bata. Dati pari ang nagpapaiyak sa mga tao, ngayon pari na ang pinapaiyak ng mga tao???
Mapalad ang mga nahahapis sapagkat nagsisimula na ang kaharian ng Diyos at ang luha ng lahat ay papahirin niya. Tatanggalin na ng Diyos ang mga pasanin ng lahat. Gusto ng Diyos happy ka.
Pagkagutom. Mahirap ang magutom. Kapag kumakalam ang iyong sikmura hindi mo magagawa ang gusto mong gawin. Kahit na nga magdasal kapag kumakalam ang sikmura ay hindi mo maagawa ng husay. Mapalad ang mga nagugutom sapagkat sa kaharian ng Diyos ang lahat ay mabubusog. Hindi lamang tiyan ang mapupuno pero ang lahat ng hinhanap ng tao ay ibibigay niya. Pinakain ni Hesus ang maraming taong nagugutom, ito rin ang gagawin niya ngayon.
Sino ang totoong mapalad?
National Bible Sunday. Nawa ang bawat isa ay may personal ng kopya ng Bibliya. Gusto mong mabago ang buhay mo? Magbasa ka ng Bibliya…Magiging mapalad ka!
Social Media Comments