Ang buong simbahan sa buong daigdig ay nagdiriwang sa araw na ito na ating pinagdiriwang ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon. At iyon din ang kanyang dala sa kanyang muling pagkabuhay, ang handog sa pakikibahagi sa bagong buhay ng ating Panginoon. At sa pagdiriwang na ito ay ating pinagninilayan ang salubong, ang engkwentro, ang pagtatagpo ng mag-ina. Si Jesus na muling nabuhay, at ang kanyang inang namimighati dahil sa pagpanaw ng kanyang anak at sa kanilang pagsasalubong ay nawala, naglaho ang pighati, ang sakit na naranasan ng ating mahal na birhen ng makita nya ang kanyang anak na buhay, muling nabuhay.
So ngayon pagninilayan natin ang pagtatagpo. Alam nyo mga kapatid kung babasahin natin ang mga kwento nang si Kristo ay muling nabuhay, may mapapansin kayo. Lahat ng nakakita kay Hesus, hindi sya nakilala. Hindi nakilala. Si Magdalena, very close kay Hesus. Subalit napagkamalan nya na si Hesus na muling nabuhay ay isang hardinero. Tapos may mga, halimbawa si Cleofas at ang kanyang kasama, nakasabay nila maglakbay si Hesus patungong Emaus, hindi rin nakilala. Akala ay isa lamang ordinaryong maglalakbay, isang estranghero, isang pilgrim, hindi rin nakilala. At yon sila Pedro at iba pang mga alagad nakatagpo nila si Hesus na muling nabuhay sa isang tabi ng lalake, hindi rin nila nakilala. Akala nila isa ding mangingisda, bat kaya ganon? Bat kaya hindi nila nakilala, nakaenkwentro na nila, nakasalubong nila, nakatagp nila ang Panginoong Hesus subalit hindi nila nakilala. Bat kaya ano? Ang tagal nilang mag kasama mga kapatid, mahigit tatlong taon. Kung kayo ay magkakasama araw gabi ng tatlong taon aba ay palagay ko kahit malayo, kahit nakatalikod, alam na ninyo diba.Alam nyo ang lakad, alam nyo ang kilos alam ninyo ang- basta alam na ninyo, three years, bat kaya hindi nila nakilala. Balikan natin mga kapatid ang sinabi ng Panginoon sa kanyang mga alagad.
Sabi ng Panginoon nung sila’y magkakasama pa, bago siya mamatay sa krus. Sabi niya “Ano man ang gawin ninyo sa ipinakahamak ninyong kapatid, yung ay ginawa ninyo sa akin.” at yun ang dahilan. Kung bakit nung si Kristo ay muling nabuhay siya’y nagmukhang mga ordinaryong tao. Siya’y nagmukhang pangkaraniwan. Baka akala natin si Kristo’y muling nabuhay, siya’y nagpakitang puting puti ang damit, kakaiba na bumubusilak sa kaputian. Hindi, hindi ganon, nung siya’y makita ng mga alagad, pangkaraniwan, hardinero. Anong tingin mo sa hardinero diba. Manlalakbay, mangingisda, ganon, ganon ang itsura ng Panginoon. So anong ibig sabihin ng Panginoon na muling nabuhay? Na makita natin si Kristong buhay sa ating mga kapatid. Tignan nyo nga ang mukha ng kapatid nyo. Nakikita nyo ba si Kristo sa kanila na muling nabuhay, tignan nyo nga mga mukha ng katabi nyo, O sige sabihin nyo sa kanila, sa katabi nyo. Nakikita ko sa inyo si Kristong muling nabuhay, sabihin nyo.
Alam nyo mga kapatid, yan ang dahilan kung bakit si Mother Theresa ay naging Santa, nung una di maintindihan ng mga tao, paano nya gagawing yakapin, paliguan, bihisan yung mga mga taong itinakwil na ng kanilang pamilya at nakahandusay na sa kalye nagagawa pa nyang mahalin. Nung sya’y tanungin, Mother Theresa bakit po ninyo nagagawa yun? ”Sapagkat nakikita ko sa kanila si Hesus,” so yun pala ang sikreto. Ang totoo nakakasalubong natin si Kristo, nakakasabay natin sya nakakatagpo natin sya. Hindi lamang natin sya napapansin. Kasi yung hinahanap nating Hesukristo ay yung- sabihin na natin yung salitang bongga. Yung regal, kingly, eh hindi ganon eh. Hindi ganon. Kung ganon ang hinahanap nating Kristo, aba eh baka ibang Kristo ang ating matagpuan sapagkat hindi ganon. Nung si Kristo’y muling nabuhay hindi ganon. Siya’y naging mukhang ordinaryo, naging mukhang pangkaraniwan. Kaya nga mga kapatid ganon din natin sya dapat makita. Sa mga taong nakakasalamuha natin. At di nga ba, sabi ng Panginoon ”nasasabi mo na iniibig mo ang D’yos na hindi mo nakikita, pero yung taong kasakasama mo palagi ay di mo kaya mahalin isa kang sinungaling.” Oh yan ang sabi ng Panginoong Hesus ah, isa kang sinungaling. Kaya kung tunay na mahal nating ang Panginoon, ipakita muna natin sa mga taong kasa-kasama natin diba. Ang totoo mga kapatid, tiniyak ng Panginoon na makakaengkwentro natin sya. Kaya nga tiniyak ng Panginoon na itayo ang kanyang Iglesia, ang kanyang simbahan sa kanyang mga apostol. At sa simbahan ito, ay itinatag din nya nag sakramento, ang mga sakramento lalo na ang banal na Eukaristiya. At dito sa Eukaristiya nakakaengkwentro natin, nakakatagpo natin. di lamang nakakasalubong, nakakatagpo natin, nakaka-isa natin ang Panginoong muling nabuhay sa banal na Eukaristiya.
At yun pa nga, matapos natin tanggapin si Kristo sa banal na Komunyon, taglay na natin si Kristo. Si Kristo at ikaw ay naging isa. Kaya ka tinawag na Kristiyano, inaasahan ng Panginoon na makita si Kristo sa iyo. Sa iyong kilos, sa iyong pananalita, sa iyong pananamit makita si Kristo sa iyo. Alam nyo mga kapatid, isa sa napakalaking blessing na maaring masabi sa inyo ng isang tao, yung talagang sincere na masasabi sayo ng isang tao, “Alam mo dahil sayo nakilala ko si Kristo.” Pag may nagsasabi sa inyo ng ganyan, pwede na kayo mamatay. Eh kasi tagumpay si Kristo sa inyo eh, dun lamang masasabi natin tagumpay si Kristo sa atin, pag nakikita na si Kristo sa atin. Kaya nga po mga kapatid noh,”it is really a process, a process of becoming.” Yung ang ating hangarin bilang mga Kristiyano, makita si Kristo sa atin. Si Kristong buhay, si Kristong buhay, at meron naman tayong paghuhugutan, Kung si Kristo ay sumasaatin, kung si Kristo’y tinanggap na natin ay makikita naman si Kristo. Tandaan natin mga kapatid, palagay ko kayo naman ay nakaranas umibig . Pag in-love ka sa isang tao siya yung bukang bibig mo. Diba? Kung ano ang laman ng dibdib, anong kasunod? Siya ang bukambibig, so sinong bukambibig mo? Kung si Kristo ay nasa iyong puso, kung si Kristo ang iniibig mo,siya rin ang bukambibig mo. Yung taong mahal mo ang lagi mong bukambibig.Ang tong mahal mo siya rin ang gusto mong topic na laging pinag uusapan. Diba? I’m sure yung mga may jowa dito, yung mga in-love na in-love sa mga jowa nila, yun yung gusto nilang palaging topic.Yun yung gusto nilang laging pinaguusapan. Kasi yun ang nasa puso mo, kaya yun din ang bukambibig mo. So ngayon suriin natin ang ating mga sarili, ano ang bukambibig natin, kasi kung anong bukambibig mo yun ang laman ng puso mo.
So Hari nawa, sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Kristo. Tunay na siya’y muling nabuhay, nang dahil tinalikuran na natin ang ating mga kasalanang buhay at nagbalik loob na tayo sa ating Panginoon sa pagsagot natin sa kanyang mga landas. Okay? At yun nga ngayon pinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ng Panginoon ano ang kanyang regalo? Ang sakramento ng muling pagkabuhay, ano yun? Sakramento ng binyag. Marami lamang sa atin mga kapatid, we are taking this sacrament for granted. Maya maya ng kaunti lang tayo nanaman ay magre-renewal. Magpapanibago tayo ng ating pangako sa binyag. Alam nyo nmga kapatid kung totoohanin lamang, kung magiging totoo lamang tayo sa ating pangako msa binyag, aba’y magbabago tayong lahat. Biruin mo mangangako tayo na tatalikod ako sa aking mga kasalanan. So ibig sabihin tatalikuran ko yung mga bisyo ko, iiwanan ko yung mga immoral na relasyon, tatalikuran ko yung masama kung hanap buhay,tatalikuran ko yan. At ako ay susunod sa Panginoon, ay aba eh mababago ang Pilipinas. Mababago ang mundo, kung tayo lamang talaga ay seryoso at tinototoo natin ang ating pangako sa binyag , mababago ang mundo. Eh kaso nga hindi. Diba. Kasi nga parang ano lang siya, parang ritwal, marami sa ating ang binyag natin , we just taking it like a social event, parang ganon. Diba. Social event, nangangako tayo lalo na’t meron kayong kinukuhang ninong at ninang diba sa binyag.Andami dami ninyo, anong pangako ng nagnininong at ninang? Na tutulong kayo sa mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang anak, na matiyak na magiging mabuting Kristiyano. Aba eh ano yung nakikita ko ngayon, kapag ako ay nagpapakumpisal sa mga grade 6. Hindi marunong mag s angalan ng Ama, hindi marunong mag sign of the cross. Magulang eh parehong Katoliko. Pag tinanong mo, bat hindi ka marunong mag sign of the cross? Hindi po ako natuturuan ng aking nanay at tatay. Hindi ko nakikita sila nanay at tatay na nags-isign of the cross, imagine, so ayon. Kaya nga po mga kapatid, mamaya ng konti pagkatapos nito ha, magkakaroon tayo ng renewal of our baptismal vows, sana po it shoul come from our hearts. Sana po…. totohanin natin.