February 2019 – Launching ng STEWARDSHIP PROGRAM ng Parokya. Ang ibig sabihin nito ay balik-handog sa biyaya ng Diyos. Photo: Mark Anthony Pelobello
Kakatwang isipin na ang sagot-patanong ni Cain kay Yahweh ay naaayon sa lohika o kaya’y sa sentido komon man lamang sa kabila ng kanyang karumal-dumal na pagpaslang kay Abel, ay siya pa ang may bweltang angas na sagutin-patanong (rhetorical question) si Yahweh sa ganito.
Kung ang CAPITAL PUNISHMENT ay nagkataong umiiral lamang noon ay tiyak na tiyak sa kalaboso ang bagsak ni Cain, at malamang sa ‘di paglaon ay kamatayan din ang parusa (I SHOULD BE CAIN’S JAIL-KEEPER). Ngunit-bangamat hangad kong ipalasap din kay Cain ang kanyang bastos na bwelta ka Yahweh (AM I MY BROTHER’S KEEPER?) ay mas matindi pa rito ang nagging pagsumpa sa kanya: ang bigyan siya ng mahaba-habang buhay upang bagabagin siya ng kanyang konsensya dahil sa kanyang karumal-dumal na krimen. Tiyak naman talagang daranasin niya ito dahil sa babala ni Yahweh sa sinumang papatay kay Cain ay magdurusa ng pitong ibayo. At naganap nga na nagging buhay-lagalag si Cain hanggang sa kanyang pagtanda’t kamatayan mismo.
Inggit na matindi ang naghari sa puso ni Cain: ‘di niya masikmura nag lantad na pagpabor ni Yahweh kay Abel na pastol at halos pasumbat na pagtrato sa kanya (CAIN) na magsasaka lamang. Pagkat si Cain ay naka-pirmis lamang sa kaprasong lupa niyang sinasaka at doon nagkukumahog, si Abel nama’y dala-dala ang pananalig sa Diyos saan man siya makarating at humimpil. Taglay-taglay ni Abel ang pananalig sa Diyos kahit saan pa man siya magtungo, samantalang ang dambana ng pananalig ni Cain kay Yahweh ay limitado lamang sa kapraso niyang pinagsasakahan. Malaking pagkakaiba talaga. Kung kaya’t ang alay handog (SACRIFICE-OFFERING) ni Abel kay Yahweh ay ang pinakamainam na bahagi ng panganay na hayop na kanyang pinatay ay tunay nga namang higit na matimbang kay Yahweh kaysa sa payak na alay ni Cain na FLAX-SEEDS: alay na para bang tinitipid pa niya ay DIYOS at sapilitang ibinigay niya lamang… May kakunatan din naman pala si Cain. Balintuna sa kasabihang GIVE CHEERFULLY, GIVE TILL IT HURTS, BUT PUT CHEER IN YOUR GIVING, na hinding hindi magiging motto ni Cain. Napag-alaman nga pala ng mga dalubhasang arkeologo na ang FLAX ay isa sa pinaka-unang binhi ng Eastern Mediterranean, mula pa noong 8000 BC kaya ‘di kataka-takang sagana at malawak ang ina-ani na FLAX at hindi ito napaka-espesyal para ipagdamot na i-alay.
Konektado sa usapang ito ay ang mga kahalintulad ng ganid ni Cain (si Hudas Iskariote, halimbawa, na pinanghinayangan ang pagbuhos ng mamahaling pabango (NARD) ni Maria ng Betanya na kapatid nina Marta at Lazaro sa mga paa ng ating Panginoong Hesukristo, na kung maibebenta raw ay malaki-laki ang halagang malilikom upang maibahagi kuno sa mga dukha). May ilan ding kalahi ni Cain na nasa loob pa ng simbahan na ihagis pataas ang perang nakolekta at magsasabing: ANG LUMAGLAG SA LUPA AY AKIN; ANG MANATILI SA ERE, SA DIYOS IYON. Isa pang bersyon nito ay ang mahirap malimutang mga katagang binitiwan sa BENEDIKSYON ng isang pari: SUMAINYO ANG PANGINOON, SA AKIN ANG KOLEKSYON! AMEN.
NOTA BENE:
December 16, 2018; 9AM Mass |Launching ng STEWARDSHIP PROGRAM ng Parokya. Ang ibig sabihin nito ay balik-handog sa biyaya ng Diyos.
