Tuwing may naka-karoling

Pansin ay nababaling

Tungo sa samu’t saring

Bagay na mataginting

 

Ano kaya kung sa halip

Ng mga ganitong kathang-isip

Ay tayo’y mag-isip-isip

Ng kapwa nating nagigipit

At lunasan kahit saglit

At bawasan pang pait

 

Na higit pang lumalala

Sa panahon ng Paskuwa

‘Pagkat tila yata nawawala

Ang ating pakikipagkapwa

Dala ng tindi ng kompetensya

Ng ‘bat-ibang industriya.

 

Bilangin nawa natin

Ang matitinding pasanin

Ng mga kapwa’t bigyan ng pansin

Nagdi-dildil lang ng asin

At nawa’y pasaganain

Ng Diyos sa kanyang pagdating.

 

Social Media Comments