“There is no greater love than to lay down one’s life for one’s friends.” (Jn. 15: 13). Photo: Atom Yango
Paralyzed ang kaibigan nila. Nabalitaan nila si Hesus. Maraming tao. Di sila makapasok sa bahay. Umakyat sila sa bubong. Binutas ito. Dito idinaan ang may sakit. Pinagaling ni Hesus. Tunay na kaibigan. Sila ang nagdala sa may sakit. Ilang katangian ng tunay na kaibigan.
1. Friends never give up. Marahil ay naidulog na nila sa mga manggagamot ang paralisadong tao. Marahil gumastos na ng malaki ang pamilya. Hindi na makakapagtrabaho pa ang taong ito. Aasa na lamang siya sa kabutihang loob ng iba. Pero di nawalan ng pag-asa ang kanyang mga kaibigan. Makakalakad pa siya sa tulong ni Hesus. May awa ang Diyos. Pero maraming tao. Walang espasyo para siya maipasok sa bahay. Marahil ay may iba pang may sakit na gusting makalapit kay Hesus. Marahil maraming mga tao na curious na makita at mapakinggan siya. Hindi sila pwedeng magbigay ng daan para sa taong ito. Pero hindi sumuko ang mga kaibigan hanggat hindi siya nadadala kay Hesus. They give up not for their friends. “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.”
2. True friend bring others to Jesus. Ang isa sa sukatan ng tunay na kaibigan ay kung papaano dinadala sila sa kabutihan. “My friend, your sins are forgiven.” Bago pa nagging kaibigan ng mga tao ang may sakit itinuring na ni Hesus na kaibigan ang tao. Jesus is a friend. Sa panahon ngayon na ang nagiging sukatan ng pagkakaibigan ay kung papaano nagsasama-sama kahit na nga sa kalokohan. Walang iwanan kahit na sa kasamaan ay sama-sama. Ang taong nagdadala sa kasamaan ay hindi tunay na kaibigan. Kung tunay kang kaibigan dadalhin mo sila papalapit kay Hesus. Kung ikaw ay nagiging masama dahil sa kanila, humanap ka ng tunay na kaibigan.
3. Friends are happy when others are blessed. “What a wonderful things we have seen today.” Ito ang reaction ng mga tunay na kaibigan ng taong paralisado. Sa kabilang banda yung mga Pariseo at tagapagturo ng batas sila ay hindi natuwa sa paggaling niya. Sila ay hindi tunay na kaibigan. Ang tunay na kaibigan ay hindi naiinggit, masaya na siya kapag masaya na ang kanyang kaibigan. His or her success is friend’s success too.