Sa tuwing magtatapos ang tao’y lagi nating dalangin na nawa’y ang susunod dito’y mas maging masagana’t produktibo, magbigay ng kasiyahang bubusog sa ating mga puso. Lahat ng ito’y di imposible, kung Poong maykapal ang ating magiging sentro.

Mga nakaraang panaho’y di naging madali
Bakas ang hirap at pagod na di maikukubli
Nadapa ma’y di nagdalawang isip bumangon
Patuloy na lumaban mawalan man ng rason

Mga kamay na nagmumula sa kalangitan
Ating ramdam sa pagtingin sa kaitaasan
Gabay sa daang mahirap tahakin
Sumasalubong sa simoy ng hangin

Para saan pa kung tayo’y susuko
Kung pananampalataya’y marupok at nanlulumo
Kanyang salita’y nawa’y maging ilaw
Sa tukso ng kadilima’y huwag magpapukaw

Taong paparating, isang bagong panimula
Mga natutuna’y siyang maging sandata
Pakatandaa’y tayo’y may kasama sa bawat hamon
O wagas na pag-ibig ng Diyos, puso’y hayaang magpalamon.

 

 

 Maria Angela Patrice M. Mabutol

Maria Angela Patrice M. Mabutol

Writer, Content Management Team - Media Ministry

Maria Angela Patrice M. Mabutol was a former senior high school student at Eastern Star Academy and took HUMSS Strand under Academic Track. She was a former member and writer of Aranzes Journal at NSDAPS. Aside from being passionate in writing, she is also into photography and music. Angela is a firm believer that life is just a matter of perspective that if you change your view, the rest will follow. Being a part of Media and Public Information Ministry is a dream come true for her, as it allows her to express her faith not just from being an active parish worker, but through her talent and skills which she thinks people deserve to be shared with.

Social Media Comments