Palm Sunday Parishioners

Taun-taon, sinisimulan ng Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre sa pag-alala sa kabanalan ng mga santo. Itinalaga ang ika-1 ng Nobyembre bilang All Saints Day. Paano ito nagsimula?

Orihinal na kilala ang All Saints Day bilang Feast of All Martyrs, isang pagkilala sa mga martir na namatay noong panahon ng pag-uusig ng Roman Empire sa mga Kristyano. Nagpatayo si Pope Gregory ng isang chapel sa Basilica of St. Peter sa Rome, Italy para sa lahat ng mga santo. Idineklara niya rin ang ika-1 ng Nobyembre bilang araw ng pag-alala sa mga ito.

Sa Pilipinas, idineklarang Special Non-Working Holiday ang November 01. Sa bansang ito, dalawa ang itinuturing na santo. Ito yung mga na-canonized na ng simbahan at yung mga taong yumao na. Sa unang araw ng Nobyembre, makikita ang mga kristyano na pumupunta sa simbahan para makadalo ng misa at magdasal. Makikita rin sila na tumutungo sa sementeryo para ipagdasal, handugan ng kandila at bulaklak ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa araw na ito, nararapat na alalahanin ang naging buhay ng mga banal. Alamin kung paano nila hinarap ang iba’t ibang problemang kanilang nakayanan sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Diyos. Magsimulang magnilay. Hindi man sila nakikita nang pisikal, mga katawan man nila’y itinuturing nang patay, mahalagang manatiling buhay sa ating puso at isipan ang buhay nilang pwede nating pamarisan.

 

 

Social Media Comments