Christmas 2022

Photo Courtesy of wohspioneer.org

Tuwing ika-labing-apat ng Pebrero ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga puso. Kadalasan ay ipinagdiriwang ito ng dalawang nag iibigan. Hindi alam ng karamihan na ang Valentine’s Day ay hindi lamang araw ng mga puso, ito rin ang araw ng pagiging martir ng isa sa maalamat na santo ng simbahang katoliko, si St. Valentine.

Si St. Valentine ay ipinanganak noong 226 A.D. Siya ay isang pari ng simbahang katoliko na lumaban sa pamumuno ng dating emperor ng Roma na si Claudius Gothicus o mas kilalang “Claudius the Cruel”.

Alam ni Claudius na ang kanyang mga sundalo ay napipilitan lang sa paglilingkod sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang asawa at pamilya. Kaya’t ipinag-utos niya na ipagbawal ang kasal sa Roma upang mapasakanya ang atensyon ng mga sundalo. Nagbalak si St. Valentine na lumaban tungkol dito. Nalaman ni Claudius ang plano ni St. Valentine at ipinag-utos na ikulong ito.

Si St. Valentine ay inaresto at kinaladkad sa tagapangasiwa ng Roma. Dahil nalaman ni Claudius ang plano ni St. Valentine, inutos niya na hatulan siya na bugbugin hanggang sa mamatay at pugutin ang kanyang ulo sa araw ng Pebrero 14, 270 AD.

Habang nasa kulungan si St. Valentine, nag-abot siya ng isang letra sa anak ng taga-bantay ng kulungan, nakalagay sa sulat ay ang pangungusap na “Mula sa iyong Valentine.”

Dahil sa kabayanihan at pananampalataya ni Valentine ay ginawa siyang Santo ni Pope Gelasius I noong 496 A.D. Siya ay Santo ng pag-ibig, mga kabataan, at maligayang pag-aasawa.

Maraming kontrobersiya sa totoong anyo ni St. Valentine dahil hindi masyadong tukoy ang kanyang istorya. Kung kaya’t noong 1969 ay tinanggal siya sa pangunahing kalendaryo ng Romano Katoliko. Ngunit iniwan ang pagdiriwang ng liturhiya niya sa pangkaraniwang kalendaryo.

Gaya ni St. Valentine, nawa’y mapuspos tayo ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos. Tayo ay mag sakripisyo sa mga utos at panindigan natin ang mga pangako natin sa kanya.

Social Media Comments