Christmas 2022

Noong nakaraang Abril 22, 2023, sa ganap na Ika-7:30 ng umaga, ginanap ang kauna-unahang Diocesan Assembly on Shrines and Pilgrimages sa Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene sa Pilillia, Rizal.

Isang Banal na Misa ang pinangunahan ng ating Obispo, Most. Rev. Francisco De Leon, kasama ang ilang kaparian ng ating deyosesis kabilang ang ating Kura Paroko na si Rev. Fr. Ric Eguia.

Sa kanyang Homiliya, ipinaalala ni Bishop De Leon ang kahalagahan ng isang dambana sa ating mga Kristiyano. Una, Ang ang Dambana ay hindi lamang maituturing na isang istraktura kundi makikita din ito sa atin bilang isang tao (embodied Shrine).

Ikalawa, ang kinaibahan ng isang pilgrim sa isang turista: Ang isang turista ay naghahanap ng ibang tanawin upang makapagpahinga, samantalang ang isang pilgrim ay may kinalaman sa pagpapalalim ng pananampalataya at espirituwalidad.

Kaya naman sa ikatlo at ika-apat na punto, ipinaalala ng kanyang lubhang kagalang-galang ang importansya ng pagdiriwang mga mga sakramento lalo na ang Sakramento ng pakikipagkasundo at ng mga banal na Misa na syang rurok ng ating pananampalataya; ang kahalagahan ng kaayusan at kalinisan ng dambana at higit sa lahat, ang pagpapalawig at pagpapatibay ng kultura at kasaysayan, at pananamalataya ng mga deboto sa pinipintuhong patron ng lugar.

Ipinaalala rin niya ang importansya ng pagiging isang Pilgrim Friendly ng isang dambana, upang mas maranasan ng isang naglalakbay na parte siya ng simbahan, parte siya ng komunidad. At sa huli muling ipinaalala na dapat isa-buhay natin ang karisma ng ating mga patron, na syang magsisilbing bokasyon natin upang mamuhay sa kabanalan.

Matapos ang banal na Misa, Iginawad sa ating ang katibayan ng pagiging miyembro ng ating dambana sa Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines sa Pangunguna ni Rev. Fr. Reynante Tolentino Presidente ng nasabing organisasyon.

Ipinaranas din ng mga taga Pilillia ang kanilang Indakan na nakapaloob sa kanilang buwanang pagdedebosyon kay Sta. Maria Magdalena.

Isang panayam naman ang ibinahagi ni Bro. Kendrick Ivan Panganiban na may pinamagatang From Devotion to New Evangelization: An Updating Through The Aspects of a Shrine in the New Evangelization. Binigyan importasya ni Bro. Ivan ang anim na aspeto na meron dapat ang isang dambana: dimension of mommunion, apostolic dimension, worship dimension, festive dimension, penitential and eschatological dimension.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng piling miyembro ng Shrine Councils ng iba’t ibang Pandeyosesanong Dambana kabilang ang ating Shrine Council sa Pangunguna ni Bro. Christian Robles. Patuloy nawa tayong maging instrumento ng Diyos ng kanyang awa at habag sa pamamagitan ng ating pagbabahagi ng ating debosyon at pananampalataya sa ating kapwa kamanlalakbay sa buhay kabanalan. (Jeremy Josef).

 

 

Social Media Comments